Bagong kasal na sina Angel Locsin at Neil Arce, masayang ipinasilip sa ang kanilang bagong renovated na bahay

Makalipas ang pag-iisang d!bdib, ngayon ay masayang ipinakita ng mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin ang kanilang renovated na bahay na sila mismo ang nagsilbing interior designer nito.

Sa kanilang latest vlog, ay ibinahagi ng dalawa na ang bahay na kanilang tinitirhan ngayon ay dati nang pagmamay-ari ng pamilya nina Neil. Kaya naman sa kabila ng kanilang h!rap sa pagpili ng tirahan, ay siyang pagdating naman ng biyayang ito sa kanilang dalawa.

Dahil dito ay naisipan nilang ipa-renovate ang ilan sa bahagi ng kanilang bahay. Ayon pa mismo kay Angel, “Sobrang laking ginhawa at tipid namin sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang namin kaunti.”

At sa kanilang panibagong vlog, ay makikita ang napakagandang tahanan na ito nina Angel at Neil na hindi aakalain na ito ay isang lumang bahay.



Pagpasok pa lamang sa kanilang munting tahanan, ay unang bubungad sa’yo ang kanilang Foyer, na siyang mapapansin ang napakatibay at mabigat na wooden door na disenyo mismo ng artist na si Claude Tayag.

Makikita rin sa bahaging parte na ito ang kanilang sanitizing area, na siyang mahalaga lalo na sa panahon ngayon para maging l!gtas mula sa kumakalat na v!rus.

Mula sa kanilang Foyer, ay ipinasilip rin nina Angel at Neil ang isang sikretong pinto na siyang magtutungo naman sa’yo sa kanilang utility room. At hindi lamang ito basta simpleng kwarto, dahil mayroon rin itong sariling mini bar at girl’s room.

Pagdating naman sa kanilang living area, ay mamangha ka naman sa ganda ng lugar na siyang perfect para sa mga bisita na gustong mag-relax. Magmula rito ay makikita ang kanilang high ceiling at puting sofa, lalong-lalo na ang dalawang malaking artwork na gawa mismo ng artist na si Jett Osian.

 

At kung isa ka rin sa mga solid online shoppers na laging naka-antabay tuwing sale, ay hindi magpapahuli dyan si Angel na siyang ipinakita rin niya ang ilan sa kanyang mga nabiling gamit sa online store, tulad na lamang ang poodle pines at throw pillows.

Ang isa sa mga pinaka favorite place ni Neil sa loob ng bahay ay ang kanilang Den, na syang makikita ang malalambot na sofas na ayon pa mismo kay Neil ay dito raw siya madalas makita ng kanyang asawa na mahimbing na natutulog.

Pagdating naman sa kanilang side porch ay dito idinetalye ni Angel, na ito raw ang kanilang nagsilbing testing area para sa kanilang mga SWAB test na siyang naging outdoor cooking area na rin.



Sunod rin nilang ipinasilip ang kanilang dining room, kitchen, garage, laundry area at ang isa sa mga inaasam ng karamihan na magkaroon sa bahay ay ang kanilang sariling pool area at maaliwalas na garden.

The post Bagong kasal na sina Angel Locsin at Neil Arce, masayang ipinasilip sa ang kanilang bagong renovated na bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments