Nico Bolzico, ibinahagi ang nakakatuwang “first vlog” ng kanyang anak na si Baby Thylane

Isa sa mga celebrity baby ngayon na talaga namang kinagigiliwan ng maraming netizens dahil sa taglay nitong ka-cute-an at bibong personality, ay ang anak ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o mas kilala bilang si Tili o Tilibolz.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Tunay nga namang hindi matatanggihan ang napaka-cute na si Tili, kaya naman hindi rin mapigil ang pagbabahagi ng mag-asawa sa mga cute pictures at videos ng kanilang anak sa social media. At kalakip ng mga ito ay ang mga nakakatuwang videos ni Tili, habang kasama ang kanyang Mama Solenn at Papa Nico.

Sa taglay na ka-cute-an at kagandahan ni Tili ay hindi maitatanggi na kanyang namana ang pagkakaroon ng magandang mukha sa kanyang mga magulang. Samantala, pagdating rin naman sa pagpapa-cute sa harapan ng kamera ay hindi kataka-takang nakuha niya ito sa kanyang ina na isang vlogger rin.




Credit: @nicobolzico on Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram account, ay makikita ang napaka-cute na si Tili na tila marunong na magpa-cute sa harapan ng kamera. Ayon mismo kay Nico, “Making pacute is one of #TiliBolz many skills!”, na siyang kanilang ginawa para kay Solenn na kasalukuyang nasa trabaho ng mga oras na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)


“A video we sent to Mama when she was at work!” dagdag pa niya.

Samantala, isa na namang nakakatuwang video ni Tili ang siyang labis na kinaaliwan ng mga netizens, matapos nitong kuhanin ang hawak na camera ng kanyang Papa Nico.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Ayon pa kay Nico, “While we were doing a selfie video for Mama (who was actually downstairs) #TiliBolz took the phone and created her first Vlog.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)


Sa video ay makikita ang pagkuha ni Tili ng kamera, na siyang plano dapat nilang gamitin sa selfie video nito para sa kanyang Mama Solenn. Ngunit tila hindi na inaksaya pa ni Tili ang pagkakataong ito upang kuhanin ang kamera at magsimula ng kanyang “first ever vlog”.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Magmula sa 38 second video na ito, ay makikita ang pagsasalita ni Tili habang nakatingin sa kamera, at panaka-nakang pag-ikot sa loob ng kanilang bahay.

Dahil dito ay marami sa kanilang mga fans ang natuwa at hindi napigilan na panggigilan ang napaka-cute na si Tili, at magbigay ng kanilang mga komento sa naturang video na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)


“Aww she’s adorable ❤❤

“such a cutie tilibolz 😍




Credit: @nicobolzico on Instagram

“So cute Tili 😍❤

“Cuuuuuuuuute! 😍

The post Nico Bolzico, ibinahagi ang nakakatuwang “first vlog” ng kanyang anak na si Baby Thylane appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments