Yassi Pressman, ipinasilip ang kanyang napakagandang bahay bakasyunan sa Canada

Ang pagbili ng sariling lupa at pagpapatayo ng bahay ay isa sa mga lubos at kadalasang pinag-iipunan ngayon ng mga celebrities. Bukod kasi sa ito ay isa sa magandang investment, ito rin ang pagkakataon na kung saan ay dito rin nila naipapamalas ang kanilang pagiging creative, sa pag-iisip ng magagandang disenyo at porma ng magiging tahanan na syang akma sa mga gagamit nito.


Credit: @yassipressman on Instagram

May ilan rin naman sa kanila na ang magandang paglalaanan ng kanilang pera at panahon, ay ang pagpapaayos at pagpapa-renovate ng kanilang mga childhood homes. Ngunit ang isa sa mga pinaka-inaabangan ng publiko ngayon, ay ang mga bahay-bakasyunan na may magaganda at maaliwalas na kapaligiran na siyang perfect para sa mga turista na gustong mag-relax at magpahinga.




Credit: @yassipressman on Instagram

Tiyak na hindi magpapahuli sa listahan ng may magagandang bahay-bakasyunan ay ang mahusay na aktres at mananayaw na si Yassi Pressman. Sa pag-angat ng aktres sa kanyang showbiz career, ay mas lalo siyang kinabiliban ng mga netizen dahil bukod sa kanyang pagiging humble, ay labis rin siyang hinangaan dahil sa unti-unting pagtupad ng kanyang mga pangarap sa buhay.

Hindi naging lingid sa kaalaman ng iba na kasalukuyang ipinapagawa ni Yassi ang kanyang dream house, at ngayon ay muli niyang ginulat ang kanyang mga tagahanga nang ibahagi niya sa social media ang kanyang bagong house investment.


Credit: @yassipressman on Instagram

Sa Instagram post ni Yassi ay makikita ang mga larawan na kuha mismo sa kanyang bahay-bakasyunan, na siyang mapapabilib ang sino man sa napakagandang view ng kanyang tahanan.

Magmula pa lamang sa loob, ay mamangha ka na sa ganda ng lugar lalong-lalo na sa mga bakasyunista na mahilig mag-beach at gustong masilayan ang sunset.


Credit: @yassipressman on Instagram

Perfect rin ang lugar na ito para sa mga turistang gustong mag-relax at pansamantalang makalimot sa pr0blema, habang nag-eenjoy sa napakagandang view kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ma-eenjoy rin naman ng bawat mag-i-stay sa lugar na ito ang kanilang ipinagmamalaking game room, at ang cottage na may kasama na ring outdoor grill.


Credit: @yassipressman on Instagram

At kung ang hanap mo naman ay magandang spot para sa iyong coffee time, paniguradong hindi ka mabibitin sa maaliwalas at relaxing view mula sa beach na syang perfect rin sa iyong mga pahagip na pagmumuni-muni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Kalakip ng magagandang larawan na ito, ay inimbitahan rin ni Yassi ang kanyang mga followers sa kanyang bahay-bakasyunan na ready nang rentahan sa mga gustong magbakasyon at makapag-relax sa Lake Scugog, Ontario Canada.




Credit: @yassipressman on Instagram

“We just finished building our newest home in Lake Scugog, Ontario & now we’re opening it up to all of you on AIRBNB 🤍

Sa napakagandang bahay-bakasyunan na ito ng aktres, ay marami sa kanyang mga fans ang namangha at napabilib sa kanyang bagong bahay sa Canada.

The post Yassi Pressman, ipinasilip ang kanyang napakagandang bahay bakasyunan sa Canada appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments