Kilalanin ang Goin’ Bulilit Star na si Miles Ocampo at ang pangarap nyang maging isang ‘Super Big Star’

Ang aktres na si Camille Tan Hojilla o mas kilala sa kanyang stage name bilang Miles Ocampo, ay isa sa mga natatanging Goin’ Bulilit Star noon na nagpakita ng angking husay at galing sa pag-arte.


Credit: @milesocampo on Instagram

Bata pa lamang si Miles, ay sumabak na ang aktres hindi lamang sa pag-aartista, kundi bilang isang TV commercial child star rin. Tila ang pagpasok ni Miles sa showbiz ang naging daan sa kanya, upang mas lalo pang makilala ng publiko at mas tuluyang maipamalas ang kanyang husay sa pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Samantala, hindi rin maitatanggi na isa si Miles sa mga may magagandang mukha sa showbiz. Magmula pa lamang sa kanyang mala angel at charming na mukha, ay talaga namang ang kanyang mga fans ay nabibighani sa kanyang kagandahan. Lalo na at hindi lamang mukha ang kanyang naging puhunan, kundi pati na rin ang kanyang balingkinitang katawan ay isa sa mga asset ngayon ng aktres.




Credit: @milesocampo on Instagram

At sa kabila ng natatamong kasikatan ngayon ng aktres, ay inamin ni Miles na pinangarap rin niya ang maging isang “big star”, tulad ng kanyang mga kaibigang sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Sa kanyang naging panayam noon sa Tonight With Boy Abunda, ay inilahad ng aktres ang kanyang pangarap na sumikat at ang pagtanggap ni Miles na may tamang panahon para sa lahat ng bagay.

Aniya, “Syempre lahat naman tayo pinangarap natin ‘yun, simula bata ako pangarap ko maging super big star talaga. Pero dumating ako dun sa point na, tinanggap ko sa sarili ko na hindi all the time na sayo ang spotlight.”

“Hindi all the time ikaw yung mabibigyan ng project, so ‘yun na lang yung goal ko na tumagal ako sa industriyang ito.” Dagdag pa ng aktres.


Credit: @milesocampo on Instagram

At kung tatanungin kung minsan bang naingg!t si Miles sa kanyang mga sikat na kaibigan ngayon, ay agad naman itong itinanggi ng aktres at, “nakikita ko yung sarili ko na hanggang pagtanda ko parang ito yung ginagawa ko. Kaya andun yung patience ko, kaya hindi ako nagmamadali.”

Pagdating naman sa usapang pag-ibig, ay labis na na-eejoy ni Miles ang kanyang “Me Time”, at kahit NBSB o No Boyfriend Since Birth ay hindi minamadali ng aktres ang pagpasok sa isang relasyon.


Credit: @milesocampo on Instagram

Sa ngayon ay masayang sinusulit ni Miles ang mga panahon na kanyang na-eenjoy pa ang pagiging dalaga at ang pagiging hands on sa kanyang trabaho.

The post Kilalanin ang Goin’ Bulilit Star na si Miles Ocampo at ang pangarap nyang maging isang ‘Super Big Star’ appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments