Celebrity Couple na sina John Prats at Isabel Oli, nagbahagi ng update sa kanilang ipinapatayong dream house

Pangarap ng halos karamihan sa atin ang makabili ng magagarang sasakyan, makapagpatayo ng sariling business at higit sa lahat ay ang makapagpatayo ng sariling bahay para sa ating pamilya.

At sa pagtupad ng ating mga pangarap ay kaakibat nito ang pagsusumikap sa buhay, sipag at tiyaga ang siyang magiging puhunan upang makamit ang mga ito.


Credit: @johnprats on Instagram

Tulad na lamang ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats, na talaga namang maituturing na couple goals ang kanilang unti-unting pagtupad sa pangarap ng kanilang pamilya. Matatandaang noong December 29, 2020, nang ibahagi ng dalawa sa kanilang YT channel ang magiging location ng kanilang ipapatayong dream house.

Pagbabahagi ni Isabel, “I can’t wait, ‘yung bahay namin dito next year which is five days na lang, itatayo na siya. Uumpisahan na siya.”

At makalipas ang halos ilang buwan, ay masayang ipinasilip nina Isabel at John sa kanilang magkahiwalay na Instagram post ang update sa kanilang ipinapatayong bahay.

Makikita sa post ng aktor ang larawan ng kanyang asawa kasama ang dalawa sa kanilang mga anak na sina Feather at Freedom, na masayang nakangiti sa mismong location ng kanilang under construction house.




Credit: @johnprats on Instagram

Sa caption na inilagay ni John Prats ay kanyang sinabi, “A HOUSE is built with boards and beams, a HOME is built with Love and Dreams.”

Tunay ngang magiging isang full of love and dreams ang kanilang bahay, na siyang bunga mismo ng kanilang pagsusumikap sa trabaho, upang makapag-ipon at makapagpatayo ng kanilang sariling dream house.


Credit: @johnprats on Instagram

Samantala, ay ibinahagi rin naman ni Isabel ang kaparehong litrato at naglagay ng caption na, “Another day, another blessing. Forever grateful. Thank you God”.

Kasabay ng pasasalamat sa bagong milestone na ito ng kanilang pamilya, ay pinasalamatan rin ng aktres ang kanyang mga biyenan.


“Thank you dad @dondieprats and mom @almaqprats 🤍

Ikinasal sina Isabel at Pratty noong May 16, 2015, sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, sa Balete, Batangas. At biniyayaan ng magaganda at gwapong anak na sina Lily Feather, Daniel Freedom at Lilla Forest.

The post Celebrity Couple na sina John Prats at Isabel Oli, nagbahagi ng update sa kanilang ipinapatayong dream house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments