Candy Pangilinan, ibinahagi ang masayang surpresa ng kanyang anak na si Quentin bilang pagdiriwang ng Mother’s Day at kanyang ika-49th birthday

Masayang ipinagdiwang ang espesyal na araw na para sa ating mga ina, ang ilaw ng tahanan at ang ating kaibigan, biglang pag-alala sa kanilang natatanging personalidad at pagmamahal sa pamilya.

At bilang pag-alala sa kasipagan ng lahat ng ilaw ng tahanan, ay isa namang masayang selebrasyon ng Mother’s Day ang ipinagdiwang ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan.


Credit: Candy Pangilinan Youtube

Isang sorpresa ang inihanda ng kanyang anak na si Quentin, hindi lamang sa pagdiriwang ng Mother’s Day kundi pati na rin sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sa video na inilabas ng aktres sa kanyang YT channel ay ibinahagi nito ang munting sorpresa na inihanda ni Quentin para sa double celebration na ito.




Credit: Candy Pangilinan Youtube

Ang pag-aayos ng lamesa at pag-oorganize ng mga ito ay isa sa mga ginawang effort ni Quentin para sa kanyang ina.

Maliban pa dyan ay tumulong rin si Quentin sa pagluluto ng pasta at pagtanggap ng mga food delivery orders ay kanya ring inasikaso.

At ng dumating na ang oras upang sorpresahin ang kanyang Mommy Candy, ay kanya nang pinuntahan ito habang dala-dala ang isang balloon bouquet.

Tila’y ang sorpresang inihanda ni Quentin para sa kanyang ina ay alam na mismo ng aktres, dahil hindi umano napigilan ni Quentin ang kanyang masayang emosyon na sabihin ang naturang sorpresa para sa kanya.


Credit: Candy Pangilinan Youtube

“Gusto kong sabihin sa inyo sa totoo lang, alam ko po ito, na may surprise sila. Bakit? Bakit ko nalaman? Sabi kasi ni Quentin sa’kin nung isang gabi, ‘Mom, on your birthday you will be happy. Why? There’s a secret. Sabi ko, What secret? It’s a party but I cannot tell you’.”

Sa kabila man nito ay hindi naman napigilan ni Candy ang matuwa para sa effort na ginawa ng kanyang anak upang sya ay mabigyan ng sorpresa para sa pagdiriwang ng Mother’s Day at kanyang kaarawan.


Credit: Candy Pangilinan Youtube

Bilang isang ina katulad ni Candy, ay hindi naging madali para sa kanya ang pagiging isang ina para kay Quentin, na na-diagnosed na may autism.

Ngunit sa kabila ng kanyang sakr!pisyo at pagmamahal sa kanyang anak, ay malaki ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa biyayang pagdating ni Quentin sa kanyang buhay.




Credit: Candy Pangilinan Youtube

“He is my ticket to Heaven kasi grabe ‘yung tinuro niya sa akin. ‘Yung pasensya, ‘yung tolerance, saka ‘yung to live simply, ‘yung ang simple ng buhay,”

The post Candy Pangilinan, ibinahagi ang masayang surpresa ng kanyang anak na si Quentin bilang pagdiriwang ng Mother’s Day at kanyang ika-49th birthday appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments