Heart Evangelista, itinuturing na “biggest role model” ang kanyang ina na si Cecilia Ongpauco

Natapos man ang selebrasyon ng Mother’s Day, hindi naman dito natatapos ang pagmamahal at pag-aalagang ipinaparamdam ng bawat ilaw ng tahanan sa kanilang anak at pamilya.

At sa patuloy na pag-alala sa kabaitan at pagmamahal ng ating mga ina, nanay, at mama, ay atin namang alamin ang magandang relasyon ng aktres na si Heart Evangelista sa kanyang loving at adorable mom na si Cecilia Ongpauco.



Ayon kay Heart ang kanyang Mommy Cecil ang kanyang biggest role model noong sya ay maliit pa lamang.
“My mom was my biggest role model growing up.”

Ang pagmamahal at bawat sakr!pisyo ng kanyang ina sa kanilang pamilya, ang nagbigay ng dahilan sa aktres upang hangaan at tularan si Mommy Cecil sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“I told myself that I was going to be as loving and graceful as her someday. I absolutely admire her for all the love she has shown and sacrifices she has made for our family.”

Pagdating naman sa bagay na kanilang pinagkakasunduan mag-ina na siyang kanilang naging mother-daughter bonding, ay ang parehas nilang hilig sa skincare at ang mga beauty advice mismo ng kanyang mommy ang the best sa lahat.

“What really makes our bond special is our shared love for skincare. I’m so lucky to have a mom who gives the best beauty advice!”

“Up until this day, my mom still has that amazing youthful glow that I also get to enjoy thanks to her best-kept secrets! ❤

At sa naging selebrasyon ng Mother’s Day ay binati ni Heart ang kanyang Mommy Cecil, at naghatid ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang ina.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“Happy Mother’s Day, mom! ❤ Thank you for all the love, and for everything you have taught me. I’m blessed to have you. Love you, mom!”

The post Heart Evangelista, itinuturing na “biggest role model” ang kanyang ina na si Cecilia Ongpauco appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments