Cute na anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, nagbihis bilang si Mulan sa kanyang ika-8 months old celebration

Marahil kilala natin ang aktres na si Sheena Halili hindi lamang sa kanyang husay pagdating sa aktingan, kundi pati na rin sa kaniyang pagiging hands-on mommy na talagang pinaghahandaan ang buwanang kaarawan ng kanyang baby.

Katuwang ang kanyang asawa na si Atty. Jeron Manzanero, ay sinisiguro nilang mag-asawa na magiging masaya at kapana-panabik ang bawat milestone ng kanilang anak na si Baby Martina.

Matatandaang February 23, 2020, ng ikasal ang dalawa sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City. At saksi ang kanilang mga kaibigan at kapamilya sa nakakakilig nilang love story, lalo na ng isilang ni Sheena ang kanyang beautiful daughter noong December 12, makalipas ang ilang buwan matapos silang ikasal.



Kaya sa pagdating ni Baby Martina sa kanilang buhay mag-asawa ay iba’t-ibang pamamaraan ang kanilang ginagawa, upang mas maging extra-special ang bawat milestones sa buhay ng kanilang anak. Tulad na lamang ang buwanang kaarawan nito, na tila inspired sa mga Disney characters.


Sinisiguro nina Sheena at Jeron na mabigyan ng isang hindi malilimutang monthly birthday celebration ang kanilang anak, na simula pa lamang ng ito ay mag 1-month old ay makikita na ang todo-effort ng mag-asawa.

Kaya naman sa ika-8 months old ni Baby Martina ay nagbihis ito bilang si Mulan, na siyang hindi maitatanggi ang labis na ka-cute-an nito sa mga larawan.

Sa mga litratong ibinahagi ni Sheena sa kanyang Instagram account, ay makikita ang mga cute pictures ni Baby Martina habang siya ay nag-transform sa isang Mulan-inspired dress.

Labis naman ang pagkatuwa ng kanilang mga fans lalo na ang mga cute facial expressions ni Baby Martina sa naturang larawan. Maliban pa dyan ay hinangaan rin ang kanyang taglay na ka-cute-an, nang magsuot rin ito ng isang pink dress sa kanyang ika-8 buwang kaarawan.


Tila napakabilis nga naman ng panahon at ilang buwan na lamang ang bibilangin ay mag-iisang taong gulang na ang charming at adorable kid na si Baby Martina.

Samantala, nagbigay naman ng komento at pagbati ang mga fans sa kaarawan na ito ni Baby Martina.

“Super cute😍😍😍😍

“Happy 8 months!! 😍



“Cute cute naman 🥰🥰🥰

“Omgggg big girl na ang martinaaaa😍❤

The post Cute na anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, nagbihis bilang si Mulan sa kanyang ika-8 months old celebration appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments