Rocco Nacino, ipinasilip ang kanyang pagpapakabit ng Solar Panel sa kanyang napakagandang bahay

Isa sa laging daing ng halos karamihan sa atin, ay ang pagtaas ng bayarin lalo na pagdating sa usapin ng pagbabayad ng kuryente. Pagsapit pa lamang ng buwanang sahod ay hindi na agad mawawala sa listahan ng bayarin ang electric bills, na siyang laging iniinda dahil sa unti-unting pagtaas ng presyo nito.


Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Kaya naman, kung ang nais mo ay mapababa ang konsumo ng kuryente sa iyong tahanan ay tiyak na hindi ka mabibigo sa magandang investment na ito. Kung hanap mo lang rin naman ay pang matagalan, ay paniguradong hindi ka iiwan ng isa sa mga good and long-term investment, na siyang in-avail mismo ng Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Matatandaang isa si Rocco sa mga kilalang celebrity ngayon na siyang nakapagpundar ng isang maganda at malaking tahanan, na bunga mismo ng kanyang pagsusumikap at kasipagan sa trabaho.




Credit: Rocco Nacino Official Youtube

At simula ng siya ay lumipat sa kaniyang 3-storey na mala mansyong tahanan sa Antipolo City, ay saksi ang kanyang mga taga subaybay sa napakagandang tahanan na ito ng aktor. At kahit gawa na ang kanyang bahay, ay hindi pa rito natatapos ang kanyang project na mas lalo pa itong pagandahin.


Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Kaya naman sa panibagong vlog ni Rocco sa kanyang YT channel, ay makikita ang labis na tuwa at excitement sa mukha ng aktor ,na siyang matutupad na ang isa sa kanyang mga pangarap na magkaroon ng bahay na may solar panels.

“Isa sa mga pangarap ko talaga magkaroon ng house na may solar panels.”

Sa simula pa lamang ng kanyang vlog ay idinetalye ng aktor ang mga naging kaganapan sa pagpapalagay ng solar panels sa kanyang tahanan, na siyang ayon sa kanya ay isa ito sa kanyang mga good and long-term investment.

At dahil kilala si Rocco sa pagiging eco-friendly, ay naisipan niyang gawin ito hindi lamang para makatulong sa Mother Earth, kundi para makamura rin sa pagbabayad ng kanyang kuryente.


Credit: Rocco Nacino Official Youtube

“It’s because we want to spread awareness para sa mga tao, that we should be apart or take apart in helping the Earth get free energy at hindi tayo gumastos.”




Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Makikitang 13 solar panels ang ipinalagay ni Rocco sa kanyang tahanan, na siyang naisakatuparan na ang matagal na niyang pangarap sa tulong mismo ng isang German Solar Panel company.

The post Rocco Nacino, ipinasilip ang kanyang pagpapakabit ng Solar Panel sa kanyang napakagandang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments