Celebrity couple Mariel Rodriguez at Robin Padilla, masayang sinalubong ang kanilang ika-11 na anibersaryo bilang mag-asawa

Isang kayamanan kung maituturing ang wagas at tapat na pagmamahalan ng mag-asawa, na kanilang patuloy na napapanatili ang nag-aalab na pag-iibigan sa isa’t-isa kahit lumipas na ang ilang taon ng kanilang pagsasama. Tunay ngang isang malaking biyaya mula sa Panginoon ang pagkakaroon ng isang matatag at masayang pagsasama, sa kabila ng pagsubok na kaakibat ng buhay may asawa.


Credit: @marieltpadilla on Instagram

Isa sa magandang halimbawa nito ay ang mag-asawang Mariel Rodriguez-Padilla at Robin Padilla, na kanilang napapanitili pa rin ang matamis na pagmamahalan kahit sila ay parehas ng ganap na magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Simula nang magtagpo ang kanilang landas sa isang programa sa telebisyon, ay dito na nabuo ang kanilang nakakakilig na love story na siyang isa sa pinaka inabangan ng kanilang mga fans.

Taong 2010 nang ikasal ang dalawa sa isang kilalang iconic Taj Mahal na matatagpuan sa New Delhi, India. Bukod pa rito ay nagpakasal rin sina Mariel at Robin sa isang Born Again wedding at Igorot ceremony. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nabiyayaan ng dalawang magagandang supling na sina Maria Isabella at Gabriela.




Credit: @marieltpadilla on Instagram

Sa kanilang pagsasama ay pinatunayan nilang mag-asawa na wala ng makakapigil pa sa pagtibok ng kanilang mga puso para sa isa’t-isa, at sa paglipas nga ng maraming taon ay ngayon masayang ipinagdiriwang na nina Robin at Mariel ang kanilang ika-11 na anibersaryo bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Sa espesyal na okasyong ito ay ipinagdiwang nina Mariel at Robin ang kanilang anibersaryo, sa pamamagitan ng pagce-celebrate sa kanilang tahanan at pagluluto ng Japanese dish na siyang labis na na-enjoy nilang dalawa.


Credit: @marieltpadilla on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram, ay makikita ang naging simple at masayang date nila ng kanyang asawa. At bilang pagbati kay Robin, ay nagbahagi rin ng mga litrato ang celebrity mom, na siyang makikita ang kanilang mga larawan ni Robin na magkasama at sweet sa isa’t-isa.

Ayon sa kanyang nilagay na caption, “11 years i’d still choose you @robinhoodpadilla happy anniversary.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Samantala, ay isang bouquet of roses naman ang niregalo ni Robin sa kanyang misis at nagbahagi rin ng isang video clip na kung saan ay kuha mismo sa kanilang honeymoon ni Mariel sa Europe noong taong 2014.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


Kalakip ng kanyang naturang post ay ang nakakakilig nyang caption na, “I miss my Mariel Rodriguez, siya talaga yun naging walking talking laughing doll at clown ko. No dull moment. What a wonderful, meaningful and colorful part of my life! isang napakasarap at napakagandang road trip! unforgettable! Thank you Mariel Padilla,”

The post Celebrity couple Mariel Rodriguez at Robin Padilla, masayang sinalubong ang kanilang ika-11 na anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments