Nikki Gil, ibinahagi ang kanilang masayang pagluluto kasama ng kanyang anak na si Finn

Hindi man muling masilayan ang dating aktres at singer na si Nikki Gil sa telebisyon, ay hindi pa rin mapaglagyan ang labis niyang kasiyahan ngayon na masayang namumuhay kasama ang kanyang asawa at anak. At dahil nasaksihan ng kanyang mga tagahanga ang paglago ng kanyang showbiz career noon, ay marami pa rin sa kanila ang nagnanais na siya ay muling masilayan.


Credit: @nikkigil on Instagram

Bagama’t tuluyan mang iniwan ang showbiz, hindi naman rito natatapos ang pagbabahagi ni Nikki ng mga kaganapan sa kanyang buhay, lalo na siya ay isa na ngayong certified mom na rin. Kaya naman, gamit ang kanyang social media account, ay madalas na ibinabahagi ni Nikki ang ilan sa masasayang bonding time nila ng kanyang 3 taong gulang na anak na si Finn.




Credit: @nikkigil on Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na hindi lamang pagiging host at artista nagpakita ng husay at galing ang aktres, kundi pati sa kanyang pagiging isang mahusay na mang await ay labis rin siyang hinangaan.

Ang pagmamahal ni Nikki sa musika ay tila isa sa mga namana ng kanyang anak na si Finn, na kahit maliit pa lamang ay nagpakita na agad ito ng interes pagdating sa music.


Credit: @nikkigil on Instagram

Samantala, kung pag-uusapan lang rin naman ang pagalingan sa kusina at pagluluto ay tila hindi magpapahuli dyan si Finn, na siyang isa sa mga pangarap umano nito paglaki ay maging isang Chef.

Kaya kahit bata pa lamang, ay tinuturuan na ni Nikki ang kanyang anak sa kusina, at makikitang ito rin ang kanyang nagsisilbing katuwang sa pagluluto ng pancake.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Tulad na lamang ng kanilang naging cooking video ni Finn, na siyang makikita ang pag-eenjoy ng kanyang anak sa pagluluto. Sa simula pa lamang ng video ay bumati na agad ang kanyang anak at sinabing, “Welcome to Finn’s cooking show.”

Kapansin-pansin na tila sanay na si Finn sa pagharap sa kamera na siyang walang duda na namana nya mismo sa kanyang ina, “So today, we are making pancakes,”.


Credit: @nikkigil on Instagram

Patunay na hindi lamang nagkakasundo ang mag-ina sa music kundi pati rin sa pagluluto ay isa rin sa kanilang masayang bonding na magkasama.

Bukod kay Finn, nakatakda rin ang nalalapit na paglabas ng baby no. 2 ni Nikki at asawang si BJ Albert, na masayang pahagip pa ng aktres mula mismo sa kanyang previous post na babae ang kaniyang isisilang na sanggol.




Credit: @nikkigil on Instagram

Ikinasal sina Nikki at BJ noong November 21, 2015 sa Sta. Elena Golf Country Club sa Laguna.

The post Nikki Gil, ibinahagi ang kanilang masayang pagluluto kasama ng kanyang anak na si Finn appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments