KC Concepcion, nagpaabot ng isang nakakaantig na mensahe para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Cloie Skarne

Ang bawat relasyon ng mag half-siblings ay hindi kalimitang nagiging maayos at maganda ang kwento ng kanilang unang pagkikita sa personal. Lalo na kung ito ay bumibilang ng madaming taon at pagkahaba-habang panahon na walang komunikasyon sa isa’t-isa.


Credit: @kristinaconcepcion on Instagram

Tila ganito nga ang istorya ng ilan, ngunit ibahin natin ang magkapatid na KC Concepcion at Cloie Skarne. Hindi man sila full siblings, ngunit patuloy pa rin nilang na maintain ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa isa’t-isa.

Si KC at Cloie ay parehas na anak na babae ng Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa magkaibang asawa. Si KC ang naging una at huling anak ng aktor sa dating asawa na si Megastar Sharon Cuneta, samantalang ang Fil-American model naman na si Jenny Syquia ang siyang ina ni Cloie.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cloie Skarne (@cloiesyquia)


Sampung taong gulang pa lamang noon si KC nang makasama at maka-bonding ang nakababatang kapatid, na siyang lumipas na ang halos labinlimang taon bago sila magkaroon ng tyansa na makatagpo muli ang isa’t-isa.


Credit: @kristinaconcepcion on Instagram

Simula pa man noon ay hindi na nawala ang kanilang komunikasyon, na siyang labis na ipinapasalamat ni KC sa kanyang Tita Jenny.

Kaya naman ng simulang magtagpo muli ang dalawang kapatid noong taong 2012, ay hindi na rito natapos ang pagbuo ng kanilang masasayang memories kahit malayo man ang tirahan ng dalawa.


Credit: @kristinaconcepcion on Instagram

At ngayon sa kaarawan ni Cloie, ay isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni KC sa kanyang kapatid, kasabay ng kanilang larawan na dalawa na pinost ng aktres sa kanyang Instagram account.


Makikita sa larawan ang magkadikit na mga mukha nina KC at Cloie, at tila sa isang tingin ay aakalaing magkambal ang magkapatid sa naturang larawan.

Sa inilagay na caption ni KC ay kanyang sinabi, “Happy birthday to my sister @cloiesyquia! Although we may have been separated for years as kids, I’m so glad we found our way back to each other!!! I loved you then, I love you more now, and I will love you forever! You deserve the BEST life has to offer.”




Credit: @kristinaconcepcion on Instagram

Ang tag0s sa puso na mensaheng ito ng aktres, ay siyang pasasalamat naman ni Cloie sa naging pagbati nito sa kanya at binigyan ito ng komentong, “thank you sis ♥ I love you!! Hugs and kisses,”

The post KC Concepcion, nagpaabot ng isang nakakaantig na mensahe para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Cloie Skarne appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments