Anak ni Pokwang na si Malia, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang nakakatuwang panggagaya kay Madam Inutz

Isa sa mga kinababaliwan ngayon sa social media ay ang nag viral na online seller na si Daisy Cabantog a.k.a Madam Inutz, na labis na kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang kakaibang style at istratehiya sa pagbebenta ng kanyang items online.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Mula sa kanyang pagpapatawa, at hyper na pagbebenta ay napukaw ni Madam Inutz ang kiliti ng mga netizens, kaya naman kahit mas marami ang tambay sa kanyang live selling at kakaunti ang nagma-mine, ay idinadaan na lamang niya ito sa pagbibiro at pagsasayaw habang naghihintay sa kanyang mga costumers.

Ngunit tila hindi lamang ang mga netizens ang natuwa sa kanya, kundi pati ang ilan sa mga celebrities ay natuwa rin, tulad na lamang ang komedyanteng si Pokwang.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Matatandaang nag-viral rin ang video ni Pokwang na kung saan ay in-empersonate nya si Madam Inutz at ginaya ang pamamaraan nito sa pagbebenta. At dahil talent ni Mamang ang pag-iimpersonate ay talaga namang nakuha nya ang kakaibang style ni Madam Inutz.

Samantala, hindi lamang si Pokwang ang siyang na-hype sa nakakaaliw na si Madam Inutz, kundi pati na rin ang kanyang bunsong anak na si Tisay o si Malia O’Brian ay tila nakigaya rin sa online seller.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account, ay makikita ang video ni Malia habang hawak-hawak nito ang cellphone at binibigkas ang salitang “Oh divaaah”, na siyang madalas bigkasin ni Madam Inutz sa kanyang mga online selling.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Dahil dito ay marami sa mga netizens ang natuwa at kinagiliwan ang napaka-cute na video na ito ni Malia. Makikita sa comment section na punong-puno ng good vibes at laugh emojis ang post na ito ni Mamang Pokwang.

“Ooh jibaaah. Pati c malia nagagaya Kya madam inutz. 🤣🤣🤣




Credit: @itspokwang27 on Instagram

“more practice pa malia mag viral ka sigurado ko yan kauna unahin bata nag Gaya kay madame inutz more pa malia 🤣🤣🤣🤣🤣

“Ang cuteee ni Baby Inutz!😂😂😂

The post Anak ni Pokwang na si Malia, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang nakakatuwang panggagaya kay Madam Inutz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments