Dimples Romana, masayang ibinahagi ang kanilang masagana at napakaraming ani mula sa kanilang farm

Ayon sa kasabihan, “kapag may itinanim, may aanihin”, tila tunay nga ang mensaheng hatid ng kasabihang ito lalo na sa mga taong ibinuhos ang kanilang dug0 at pawis sa pagtatanim. Napakasarap naman talaga sa pakiramdam na makita at masilayan, ang bunga ng iyong pagod at sakripisy0 upang makakuha ng isang masaganang ani.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Labis nga ang kaligayahang nadarama ngayon ng Kapamilya actress na si Dimples Romana, nang ibahagi niya sa kanyang Instagram ang kanilang masaganang ani mula sa kanilang farm sa Calaca, Batangas.

Bago nila mabili ang lupaing ito, ay matatandaang taong 2009 nang bumili rin sina Dimples at ang kanyang asawa na si Boyet Ahmee ng kanilang kauna-unahang farm na matatagpuan naman sa Alfonso, Cavite.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


At dahil kilala ang aktres sa pagiging wais at matalino sa paggamit ng kanyang pera na pinaghirapan, ay nakapagpundar muli sila ng isa pang farm at ito nga ang kanilang lupain sa Calaca, Batangas.

Sa litratong ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account, ay makikita ang kanilang mga ani na Avocado, na ayon pa sa aktres sa tulong umano ng kanilang Tatay ay hindi lamang mangga ang ma-aani sa kanilang farm kundi pati mga avocado rin.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“Ani sa Calaca Farm namin, manggahan talaga yun pero mahusay kasi si Tatay namin dun kaya may mga avocados din.”

Kwento ni Dimples, “Madalas tinatanong kami bakit daw hindi namin inegosyo ang mga ani namin sa Calaca at Alfonso na farms and that made us stop and think, Bakit nga ba? @papaboyetonline”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Ang gawing pagkakitaan at negosyo ang kanilang farm ay wala umano sa plano nila Dimples at Boyet, dahil para sa kanila “It’s a form of our love”, na ibahagi sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan ang kanilang mga naaaning prutas at gulay sa kanilang lupain.

“the dream was to own a piece of land, grow some fruits and vegetables and just give it away 😌 it’s a form our love. It is how we show our friends and family, how much they mean to us. How we remember them.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Dagdag ni Dimples, “Lalo na ngayon. We are slowly losing connection with those we love, and it is upon us to do our best to stay connected and strengthen that connection. These are literally and figuratively our FRUITS OF OUR LABOR. A piece of our family, a portion of our hearts. #DimpsTips”

Talaga nga namang sa kabila ng kanyang hirap at sakripisy0 na maabot ang kanilang mga pangarap, sa huli ay kaniya pa ring ibinabahagi ang lahat ng tinatamasang tagumpay sa kaniyang pamilya at mahal sa buhay.

The post Dimples Romana, masayang ibinahagi ang kanilang masagana at napakaraming ani mula sa kanilang farm appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments