Janella Salvador, pinahanga ang mga netizens sa kanyang mala anghel na boses habang kumakanta

Ang bawat isa sa atin ay biniyayaan ng talento at natatanging kakayahan, na ating nagagamit sa mga napiling propesyon at nagsisilbing libangan rin sa paglipas ng panahon.

Tulad na lamang ang aktres at celebrity mom na si Janella Salvador na hindi lamang sa pag-arte nakitaan ng galing, kundi pati na rin sa pagiging isang mahusay na mang-aawit.


Credit: @superjanella on Instagram

Kung pag-uusapan lang rin ang mga celebrities na nabiyayaan ng magandang boses, ay paniguradong kulang pa ang isang papel sa dami ng mga natatanging pangalan ng mga mahuhusay na singers dito sa Pilipinas.

Ngunit ating ibahin ang singer na si Janella, dahil sa kabila ng mga teleserye at pelikula na kanyang ginampanan at pinagbidahan ay hindi pa rin nawawala sa aktres ang kanyang hilig pagdating sa musika.




Credit: @superjanella on Instagram

At kahit busy ang celebrity mom sa kanyang pag-aalaga kay Baby Jude na kanilang anak ng kasintahang aktor na si Markus Paterson, ay hindi maitatangging likas pa rin sa dalaga ang pagkahilig nito sa pagkanta.

Kaya naman sa kanyang video na ibinahagi sa Instagram, ay marami ang napabilib at napahanga sa magandang boses ni Janella ng kantahin nito ang kantang Lotus na kinanta mismo ng American singer na si Jhené Aiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Sa kanyang mala anghel na boses ay umani agad ito ng mga reaksyon mula sa kanyang mga fans ang kanyang video habang kumakanta.

Nagsimulang makilala si Janella na gampanan nya ang role na si Nikki Lim sa daytime teleserye na Be Careful With My Heart na syang pumatok noon sa takilya.




Credit: @superjanella on Instagram

Tunay ngang hindi lamang mahusay na aktres si Janella kundi isa rin siyang magaling na singer at performer, na kanyang namana sa kanyang mga magulang na isa ring mag-aawit na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Taong 2015 ng siya ay makatanggap ng parangal bilang Best Female Recording Artist mula sa Alta Media Icon Awards at naging Best Female Recording Artist of the Year naman sa 8th PMPC Star Awards for Music taong 2016.

The post Janella Salvador, pinahanga ang mga netizens sa kanyang mala anghel na boses habang kumakanta appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments