Andi Eigenmann, ipinahiwatig ang labis na pagka-miss sa kanyang panganay na anak na si Ellie

Hindi talaga madali para sa isang ina ang mawalay ng matagal sa tabi ang kanilang mga anak. Kaakibat kasi nito ang lungkot at pagiging emosyonal, na siyang normal lang na maramdaman ng isang magulang.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Tulad na lamang ang aktres na si Andi Eigenmann, na labis na ang pagka-miss sa kanyang panganay na si Ellie, na kasalukuyang in-eenjoy ang city life kasama ang ama nito na si Jake Ejercito.

Bilang mother of three ng kanyang magaganda at gwapong anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa, aminado si Andi na hindi madali para sa kanya na masilayan ang unti-unting paglaki ng kaniyang mga anak.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Kalakip ng kanyang pagka-miss kay Ellie pagbabahagi pa ni Andi sa isa sa kanyang latest post, “Having 3 kids doesn’t mean we learn to split our heart into pieces. Mothers just have this innate capabality of having our hearts grow big enough to have more and more love to give.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Aniya, “I cherish this gift so much because it is the most important thing we can offer our kids. But it could get pretty difficult too. Specially when they start to grow into their own person with their own preferences and making their own decisions.”

Tunay ngang hindi madali para sa isang magulang na dumating ang panahon na lalaki at tatanda ang kanilang mga anak, ngunit para sa aktres ang kaniyang tanging hangad lamang ay ang “happiest and best life” para sa kanyang tatlong anak.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Dagdag pa niya, “I just have to constantly remind myself that I commited to raising my little girl in order for her to find her true and authentic self so that she could live her happiest and best life. Not so that she could stay with me forever and keep me comfortable.”




Credit: @andieigengirl on Instagram

Kasalukuyan mang hindi pa kumpleto ang kanilang island home sa Siargao, masaya pa ring nilalaan ni Andi ang kanyang oras at panahon kasama ang mga anak na sina Lilo at Baby Koa, kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

The post Andi Eigenmann, ipinahiwatig ang labis na pagka-miss sa kanyang panganay na anak na si Ellie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments