Anak nina Aga at Charlene Muhlach na si Andres, lumipad muli patungong ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo

Lumipad na muli patungong Espanya ang anak ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na si Andres, upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa ikalawang taon nito sa kolehiyo.

Matatandaang umuwi si Andres ng bansa upang masulit ang kanyang summer vacation na makasama ang kanyang mga magulang at kambal nitong si Atasha.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Napakabilis nga naman talaga ng panahon, at parang kailan lang ng kakaalis pa lamang ni Andres patungong spain, ay kailangan na niya ulit umalis upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ganunpaman, ay hangad nina Charlene at Aga ang best para sa kaniya at kahit labis nila itong mami-miss ay hindi naman nila nakalimutan na mag-iwan ng heart-warming message para sa kanilang anak.




Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram account, ay nagbahagi ang mag-asawa ng magkaibang litrato ni Andres at kalakip ng kanilang post ay ang taos-pusong mensahe naman nilang dalawa para sa anak.


Ayon kay Charlene, “And just like that… The summer went by so fast.. Back to Spain today for your sophomore year in college. What a wonderful summer it was having you at home with us. We will be missing you, like we always do my son.”

Dagdag pa niya, “Be inspired & inspire. Spread your wings and continue to fly.. Continue to praise, glorify & put God in the center of all that you do… love you very much, Andres..”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)


Sa naging mensahe naman ni Aga para sa kanyang anak, “My son, my partner, my gym partner, my buddy!! Summer well spent with you! Hope you had a blast as well. Enjoy your 2nd year in college. I’ll miss you and you know that. See you soon! Continue to be nice and kind. God loves you. We love you!!! Cheers, buddy! @aagupy”

Samantala, sa isang university sa United Kingdom naman nag-aaral si Atasha at kasalukuyang naka-online class bunsod ng pandemyang nararanasan sa bansa.

The post Anak nina Aga at Charlene Muhlach na si Andres, lumipad muli patungong ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments