Ryza Cenon, ibinahagi ang mga nakakaaliw na larawan at bidyo ni Baby Night na nakakatulog habang kumakain

Totoo ngang bundle of joy ng karamihan sa atin ang mga napaka-cute na babies, na talaga namang pangunahing hatid nila ay magbigay ng tuwa at kasiyahan sa mga taong kanilang nakakasalamuha.

Masilayan pa lamang ang kanilang maamong mukha at napaka-cute na ngiti at tawa, ay paniguradong mahahawa ka rin sa kanilang hatid na good vibes.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Tila ganyan nga ang pakiramdam ng celebrity mom na si Ryza Cenon, sa pagdating ng kanilang anak ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz. Napuno ng saya at kulay ang buhay ng kanilang pamilya, simula ng isilang ni Ryza ang kanilang gwapong chinito na anak na si Baby Night noong Oktubre 31, 2020.

Maliban sa hatid na kaligayan ni Baby Night sa kanyang mga magulang, hindi rin naman nagkulang sina Ryza at Miguel na maipakita sa publiko kung gaano sila ka-proud sa kanilang anak.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa katunayan pa nga, sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng mga cute at adorable pictures ng kanilang anak sa social media, ay marami na agad ang tumangkilik at sumuporta sa kanilang anak na si Baby Night.

At dahil nga madalas mag-bonding ang mag-ina, ay isa sa mga kasiyahan ng aktres ay ang pagkuha ng mga larawan ni Baby Night at ibahagi ang mga ito sa kanilang mga fans.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Madalas ngang magbahagi si Ryza sa kanyang Instagram account ng mga larawan na kasama niya ang kanilang baby boy.

At nitong kamakailan lang, ay isang nakakatuwang video at litrato ni Baby night ang siyang pumukaw sa atensyon ng mga netizens, at hindi napigilan ang kanilang tuwa na masilayan ang napaka-cute na si Baby Night.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Sa video ay makikita ang gwapong chinito na si Baby Night, na hawak-hawak ang kanyang popsicle mold at kahit makikitang inaantok na ay nilalab@nan pa rin nito ang antok upang maubos ang kanyang kinakain.

Tila tunay nga ang kasabihan na “food is life”, dahil bukod sa cute na video nyang ito ay makikita ang isa pang litrato ni Baby Night, na mapapansing nakatulog na sa kanyang baby chair habang may bakas pa ng pagkain sa kanyang bibig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Ayon sa caption na inilagay ni Ryza, “K.O. na naman sya..”

Tunay ngang hindi lamang sina Ryza ang giliw na giliw sa ka-cute-an ni Baby Night, kundi pati rin ang mga netizens ay naaliw rin at kinagiliwan ang post na ito ng aktres patungkol sa kanyang anak.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Ayon pa sa kanilang mga comments, “Hahahaaa cute😘”, “baby Night is a mood 😅😍😍”, “hahaha sarap lagi tulog ni baby😍”.

The post Ryza Cenon, ibinahagi ang mga nakakaaliw na larawan at bidyo ni Baby Night na nakakatulog habang kumakain appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments