Anak ni Nadine Samonte na si Heather Sloane, masayang nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan

Ang tanging hinahangad ng halos karamihan sa atin ay ang magkaroon ng isang payapa at kapanatagan na buhay, kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Makalipas ang halos higit sa isang dekadang paglisan sa showbiz ng dating aktres na si Nadine Samonte, ay dito na rin nagsimulang lumagay ang aktres sa masayang pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Bagama’t pinili man ang tahimik na buhay, ay patuloy naman ang pagbibigay ng life update ni Nadine sa kanyang mga fans, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng bawat kaganapan sa kanilang buhay sa social media.

Ayon sa aktres, ay mas lalo niyang na-eenjoy at nasusulit ang panahong kasa-kasama niya ang kanyang asawa na si Richard Chua, at kanilang dalawang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.




Credit: @nadinesamonte on Instagram

Pagbabahagi ng aktres, “The reason din kung bakit wala ako sa showbiz I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


Kaya naman sa kabila ng kaniyang simpleng buhay bilang isang maybahay at hands-on mom sa kanyang mga anak, ay hangad rin nito na maipagdiwang ang mahahalagang okasyon sa buhay ng kanilang pamilya.

At ngayon sa kaarawan ng kanilang panganay na si Heather, ay isang masaya at makulay na birthday celebration ang kanilang inihanda para sa espesyal na araw na ito ng kaniyang anak.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram account ay tila nagmistulang isang cute na duck-themed ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Heather.

Bukod kasi sa napapalibutan ito ng mga kulay dilaw na duck balloons sa background, ay mapapansin rin ang kanilang cute na matchy outfits na syang bumagay sa theme ng naturang selebrasyon. Lalo na ang dalawang birthday cake ni Heaven, na isang number 5 at costumized duck-themed cake ay makikita rin sa mga larawang ibinahagi ng aktres.




Credit: @nadinesamonte on Instagram

At dahil limang taong gulang na si Heaven, ay makikitang labis rin na na-enjoy nito ang paglalaro sa inflatable slide. Kalakip naman ng kanilang family picture, ay mapapansin rin ang pagiging sweet ng magkapatid na Heaven at Austin sa kanilang larawan.

The post Anak ni Nadine Samonte na si Heather Sloane, masayang nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments