Chesca Garcia at Doug Kramer, masaya sa bagong haircut ng kanilang anak na si Kendra na gawa mismo ng kanyang lola

Tila totoo nga ang kasabihan na walang ibang kayang magmahal sa atin, maliban sa tunay na pagmamahal na kayang ibigay ng ating mga magulang. Ngunit ibahin natin ang ating mga Lolo at Lola, dahil ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga ay higit pa sa sobra.


Credit: @chekakramer on Instagram

Tulad na lamang ng ina ng dating PBA player na si Doug Kramer, na ang kanyang ina na si Nellie Kramer ay kahit mapa simpleng bagay, ay ipinaramdam nito ang pagmamahal sa kanyang mga apo.

At ito nga ay sa pamamagitan ng pagiging hairdresser sa kanyang apo, lalo na sa panganay na anak nina Doug at Chesca na si Kendra.




Credit: @chekakramer on Instagram

Sa litratong ibinahagi ni Chesca sa kanyang Instagram, ay makikita si Kendra na nakaupo habang siya ay ginugupitan ng buhok ng kanyang Lola Nellie na nasa likuran nito.

Kwento pa ng celebrity mom, ay matagal na umanong gusto ni Kendra na magpagupit ngunit dahil sa paglaganap at pagtaas ng kaso ng v!rus sa bansa, ay inabisuhan niya muna ito na maghintay panandalian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


Aniya, “Kendra has been wanting to get a haircut…but, because of the rise of inf3ctions I told her to be patient and wait till everything settles down first.”

At ng malaman nga ito ng kanyang Lola Nellie, ay nagpresinta ito na siya na lamang ang gumupit sa buhok ni Kendra. “But, when her Oma heard this she volunteered to cut Kendra’s hair… And, she did a fantastic job!”


Credit: @dougkramer on Instagram

Sa katunayan, maliit pa lamang si Kendra noon, ang kanyang Lola Nellie na ang nagsilbing hairdresser nito, na syang makikita sa mga litratong ibinahagi ni Doug sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Para kay Doug ang simpleng bagay na ginagawa ng kanyang ina sa mga apo nito, ay isang bagay na tine-treasure ng kanilang pamilya. Kaya malaki ang naging pasasalamat ni Doug sa pag-alalay ng kanyang ina, hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa mga apo nito na sina Kendra, Scarlett at Gavin.




Credit: @dougkramer on Instagram

Pagbabahagi ni Doug, “Time never taken for granted. Such a blessing to have our parents around to witness and be a part of our kids lives. This maybe a simple hair cut by my mom to Kendra, but it’s small moments like this we treasure everyday.”

The post Chesca Garcia at Doug Kramer, masaya sa bagong haircut ng kanilang anak na si Kendra na gawa mismo ng kanyang lola appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments