Andi Eigenmann, muling inalala ang ama at batikang aktor na si Mark Gil

Si Raphael Joseph De Mesa Eigenmann o mas kilala sa kanyang stage name na Mark Gil, ay isa sa mga batikang aktor sa mundo ng showbiz na nagpakita ng natatanging husay at galing pagdating sa pag-arte.

Mula sa kanyang mga ginampanang pelikula at teleserye, ang kalidad ng kanyang talento bilang isang aktor ay namumutawi pa rin sa mga ala-ala ng kanyang mga taga hanga at pamilya.


Credit: @andieigengirl on Instagram / IG Stories

Marahil ang September 1, 2014, ang isa sa mga araw na tumatak sa puso ng publiko, dahil bukod sa kanyang naiwang ala-ala ay ito rin ang araw nang siya ay nagsimula nang magpahinga mula sa kanyang pagkakaroon ng kar@mdaman.

Marami man ang nalungkot, ngunit hindi naman rito natatapos ang patuloy na pag-alala sa kanyang kabutihan bilang isang mapagmahal na ama sa kanyang mga anak.

Kaya sa ika-7 taon ng kanyang paglisan, siya ay muling inalala ng kanyang anak na si Andi Eigenmann. Ayon sa aktres, “Been thinking of my dad a little extra lately. And I realized it’s been 7 years since we l0st him today.”


Credit: @andieigengirl on Instagram / IG Stories

Lumipas man ang pitong taon, ngunit ang mga ala-alang iniwan ng kanyang ama ay nanatili pa rin sa puso ni Andi, at dala-dala nya ang mga ito hanggang ngayon na siya ay nagkaroon na rin ng sarili nyang pamilya.

Aniya, “Gone, but never forgotten you’re always with me Dad. I still feel you are just around I see you in my children. You’re always in my heart.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Eigenmann (@gabbyeigenmann)


Samantala, ang kapatid rin ni Andi na si Gabby Eigenmann ay inalala rin ang kanilang ama at ibinahagi ang kanilang litrato sa Instagram account nito.

Kalakip ng litratong ito ay ang caption na, “7th in heaven.. love you Dad.”


Credit: @gabbyeigenmann on Instagram

The post Andi Eigenmann, muling inalala ang ama at batikang aktor na si Mark Gil appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments