Rachelle Ann Go, masayang ipinagdiwang ang kaaarawan kasama ang kanyang pamilya sa London

Masayang ipinagdiwang ng theater actress na si Rachelle Ann Go ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya sa London. Kalakip ng kanyang ika-35th na kaarawan, ay isa namang magandang larawan ang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account.

Sa litrato ay makikita ang masayang ngiti ng birthday girl kayakap ang kanyang napaka-cute na anak na si Baby Lukas Judah at ang asawa nito na si Martin Spies.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Tila wala na ngang mahihiling pa si Rachelle sa kanyang kaarawan, dahil para sa kanya ang kanyang pamilya ang itinuturing niyang “best gift” na kanyang natanggap na regalo ngayong kaarawan.

Ayon kay Rachelle, “My family is the best gift. God is so so so good. Thank you everyone for all the greetings #motherhood #bdaycelebration.”




At dahil espesyal ang araw na ito para sa singer-actress, ay makikita naman ang pagiging supportive husband ni Martin sa kanya, nang um-attend ito sa kanyang Les Miserable concert na ginanap mismo sa London.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Matatandaang binalita ni Rachelle noon sa kanyang Instagram account na siya ay muling gaganap bilang si Fantine, sa limited performance ng Les Miserable concert ngayong August 31 hanggang September 4.

“Oh my! I wasn’t able to finish my @lesmizofficial run last year… so I’m really excited to do Les Miz Concert on my birthday! I’m performing from August 31st-September 4th✨ What a treat!”


Bago pa man magkaroon ng pandemya, ay nakatakda na ang pagbabalik ng aktres bilang Fantine sa West End production ng Les Miserables. Ngunit dahil sa kasalukuyang sitwasyon at pagbubuntis sa kanilang anak na si Baby Lucas, ay hindi nakasali si Rachelle sa naturang concert.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Kaya naman ngayon ay mas lalo pang naging espesyal ang kanyang kaarawan, dahil bukod sa pag-perform sa concert na ito ay makikita rin ang very supportive husband niya na si Martin na dumalo sa kanyang concert.

Taong 2015 ng magsimulang gampanan ni Rachelle ang role na Fantine sa West End at naging bahagi ng Manila production ng Les Miserables naman noong 2016. Ginampanan nya ang role bilang si Gigi Van Tranh sa “Miss Saigon” at Elizabeth sa “Hamilton,” na parehong ginawa sa West End.




Credit: @gorachelleann on Instagram

Ikinasal sina Rachelle at Martin mula sa isang beach wedding ceremony noong April 18, 2018, sa isang kilalang resort sa Boracay. At biniyayaan ang dalawa sa pagdating ng kanilang anak na si Baby Lucas noong March 26, 2021.

The post Rachelle Ann Go, masayang ipinagdiwang ang kaaarawan kasama ang kanyang pamilya sa London appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments