Alex Gonzaga, ipinasilip ang update at groundbreaking ng kanilang dream house ng asawang si Mikee Morada

Ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ay kinilala sa kanyang nakakatawang personality, na nagbibigay kasiyahan at kaligayahan ngayon sa mga netizens. Mula sa kanyang mga nakakaaliw na videos na napapanood sa kanyang YT channel, ay umabot na nga sa halos 11.4 million ang mga sumusubaybay at nakaantabay sa kanyang mga vlogs.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kaya naman isa na namang nakakapanabik at exciting video ang ibinahagi muli ni Alex sa kanyang mga taga hanga, at ito nga ay ang kanyang munting pasilip sa mga bagong kaganapan sa bahay na ipinapatayo nila ng kanyang asawa na si Mikee Morada.

Matatandaang ibinahagi noon ng aktres sa kanyang previous vlog ang patungkol sa bahay na iniregalo ng magulang ni Mikee bilang wedding gift sa kanilang dalawa. At ito nga ay ang isang lumang house and lot na syang kanilang sinimulan na ang pagdedemolished, upang itayo ang kanilang magiging bagong tahanan bilang mag-asawa.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kaya sa panibagong vlog ni Alex, ay kanyang isinama ang mga netizens sa groundbreaking ng kanilang tahanan. Kung noon ay makikitang ito ay lumang bahay pa lamang, ngayon ay sisimulan na ang construction ng kanilang magiging bahay.

Sa pagbisita sa Batangas, bukod sa naganap na groundbreaking ay nakasama rin ni Alex rito ang kanyang asawa na si Mikee at kanilang naimbitahan rin ang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Secretary Mark Villar.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa paglilibot sa lugar na pagtatayuan ng kanilang mismong bahay, ay biro pa ni Alex na baka dito raw inilagay ang matagal ng hinahanap na kayamanan. “Nakita nyo na ba yung Yamashita treasures? Dito daw kasi nailagay.”

Bukod pa diyan ay ginawa ring biro ni Alex ang isang malalim na hukay, na ayon pa sa kanya ay ito raw ang magsisilbing bathtub nila ng kanyang asawa.

Aniya, “So, bale itong ano na ‘to, ito yung magiging bathtub namin ni Mikee.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa pagbisita ni Secretary Mark, ay makikita naman ang naging paghanga nito sa ipinakitang disenyo ni Alex sa magiging bahay nila ni Mikee.

“Type na type ko yung design mo. Maganda, maganda.”




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

At kung sa tingin mo ay pagbisita lamang ang ginawa ng kalihim, tila matatawa ka naman sa mga ipinagawa ni Alex sa kanya. Tulad na lamang ang paghuhukay, ang pagsakay sa bulldozer, at pati na rin ang pagtanggal sa mga naiwang putik sa sapatos ni Alex ay ginawa rin ni Secretary Mark para sa kanya.

Ang nakakatawang video na ito ni Alex ay umabot na sa higit 2.4 million views sa YouTube.

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang update at groundbreaking ng kanilang dream house ng asawang si Mikee Morada appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments