Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang pag-ani ng kamote at pangunguha ng sea urchins para sa kanilang masayang picnic sa isla

Kailanman ay naging pamantayan na ng karamihan sa pagkakaroon ng simple at tahimik na buhay, ay ang magkaroon ng payapa at maayos na kapaligiran kasama ang mga mahal sa buhay. Tila iba nga ang hatid na saya at ligaya kapag simpleng buhay na ang pinag-uusapan.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Bukod kasi sa kaluwagan ng kalooban at pagiging kontento sa maraming bagay, ay hindi rin maitatangging mas nanaisip ng kahit na sino ang magkaroon ng payapang pamumuhay.

Tulad na lamang ang aktres na si Andi Eigenmann na ngayon ay labis na na-eenjoy ang island life, kasama ang fiancé na si Phimar Alipayo at mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa kanilang sariling YouTube channel na Happy Islanders, ay patuloy pa rin ang pagbabahagi ng aktres sa kanilang simpleng pamumuhay sa isla at ang masasayang samahang nabuo sa kanilang pamilya at mga kaibigan ngayon.

Sa katunayan, ay isang panibagong video muli ang ibinahagi ng akres na kung saan ay matutunghayan ang kanilang masayang picnic kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At bago naganap ang masayang picnic sa beach, ay naisipan naman nina Philmar at ang “the boys”, na mag-harvest ng kamote at manghuli ng tajom o sea urchin, bilang kanilang pagkain na pagsasaluhan sa picnic.

Kasabay ng kanilang paghaharvest, ay ibinahagi rin ni Andi na aalisin na rin ang kanilang kamote patch na syang planong paglalagakan ng magiging surf school ni Philmar.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“We are clearing out our kamote patch to prepare the area for the construction [of] Papa’s surf school, coming soon!”

At ang magiging katuwang ni Philmar sa itatayong surf school nyang ito, ay ang kanilang mga kaibigan na “the boys” ang magiging in-house surf instructors na sina Long, Ben, Remar, Tata, at Yuge.

“The boys you just met will be our in-house surf instructors.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Kasabay ng kanilang masayang picnic, ay ang paglangoy naman ng mag-inang Andi at Lilo sa rockpools, na siyang isa sa kanilang mga hinahanap na spot tuwing lowtide sa isla.

“During lowtide, we like to look for rockpools to swim in!”

The post Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang pag-ani ng kamote at pangunguha ng sea urchins para sa kanilang masayang picnic sa isla appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments