Dimples Romana, ibinahagi ang kwento sa likod ng mala rollercoaster na love story nila ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee

Marahil isa sa mga hinahangaang aktres ngayon sa industriya ng showbiz ay ang celebrity mom na si Dimples Romana. Siya ay hinahangaan hindi lang dahil sa kanyang pagiging matagumpay at mahusay na artista, kundi maging sa kanyang pagiging wais sa paggamit ng pera kagaya na lamang ng mga negosyo at lupain na kanilang naipundar.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ang lahat ng ito ay hindi magagawa ni Dimples kung wala ang tulong at support system ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee. Ang pagiging mag-asawa nilang dalawa, ay talaga namang sinubok ng panahon, lalo na ang katatagan ng kanilang pagsasama.

Paglalahad ng aktres, dalawang taon pa lamang silang magkasintahan noon ni Boyet ay napagdesisyunan na nilang magpakasal dalawa.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Aniya, “@papaboyetonline and I were together for a little over two years before we married and we married young.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Kwento ni Dimples, hindi umano naging madali ang kanilang married life lalo na noong mga panahon na sila ay bagong kasal pa lamang. Bilang maaga ang kanilang naging pagpapakasal, ay nakatanggap umano ang mag-asawa ng mga negatibong komento mula sa mga tao.

“When we tied the knot we got all sorts of opinions like, “Naku. Magbabago pa isip nyan,” “sigurado na ba kayo?”


Credit: @dimplesromana on Instagram

“Give it a few years maghihiwalay din kayo pustahan,” and I think the w0rst I heard was, “Makitid pa utak kaya maghiwalay na kayo kung ganyan din lang.”

Bukod pa diyan, ay ibinahagi rin ng aktres na malaki ang kanilang pagkakaiba ng kaniyang asawa pagdating sa maraming bagay.

“Boyet is a capricorn and I, a true-blue scorpio. Im a right brained creative while he is a left brained engineer.”


Credit: @dimplesromana on Instagram

“different love languages. mine is service and touch while Boyet’s love language is pag di nya ako inaway yun ang love, joke lang! Loyalty that’s his love language.”

Ngunit marami man ang hindi sang-ayon sa kanilang pagsasama noon, at hindi man sila totally compatible sa maraming bagay, hindi naging hadlang para kina Dimples at Boyet na piliin pa rin ang isa’t-isa. At mas patatagin pa ang kanilang pagsasama na tumagal na sa halos 20 taon nila bilang mag-asawa.




Credit: @dimplesromana on Instagram

“Keep loving! Whether your love story includes another person, a plant, a fur baby or just yourself. We just have to keep loving.”

Sina Dimples at Boyet ay biniyayaan ng maganda at gwapong anak na sina Callie ang kanilang panganay at ang bunso naman na si Alonzo.

The post Dimples Romana, ibinahagi ang kwento sa likod ng mala rollercoaster na love story nila ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments