Anne Curtis, masayang nakipaglaro ng hide & seek sa anak na si Dahlia Amelie

Para sa isang magulang, wala na ngang mas ihihigit pa sa makasama at maibigay ang kanilang oras at panahon, para makipag-bonding at makipagkwentuhan sa kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Kaya naman kahit busy man sa trabaho, hindi kailanman ito magiging hadlang upang maibigay ang kanilang buong atensyon para sa kanila. Dahil para sa mga magulang, ang mga anak ang kanilang “source of joy and happiness” na nakakapagbigay sa kanila ng kaginhawaan at kapayapaan sa buong araw ng kanilang pagtatrabaho.

Tulad na lamang ang celebrity mom na si Anne Curtis, na ang buong oras at kanyang atensyon ay nakalaan para sa kanilang anak, ng kanyang asawang chef-vlogger na si Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie.




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Habang hindi pa man tuluyang nakakabalik sa kanyang regular na pagtatrabaho, ay mas lalong sinusulit ng aktres na maka-bonding at makipagkulitan sa kanyang anak.

Sa bawat bidyo at larawan na ibinabahagi nina Anne at Erwan sa kanilang magkahiwakay na Instagram account, ay makikitang bukod sa kanilang pagiging hands-on kay Baby Dahlia, ay kanila ring ibinabahagi ang bawat kaganapan sa kanilang buhay pamilya ngayon.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

At dahil isa si Dahlia sa mga celebrity babies na inaabangan sa social media, ang kanyang Mommy Anne ay nagbahagi muli ng kanilang masayang bonding moments mag-ina.

Halos karamihan sa atin ay dumaan sa pagiging bata at nasubukan ang iba’t-ibang klaseng laro, na kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nawawala ang larong ating kinagisnan.


Kagaya na lamang ang masayang paglalaro nina Anne at Dahlia ng hide and seek o ang sikat sa atin sa tawag na tagu-taguan, ay kanilang ginawa rin mag-ina.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Mula sa post ng isa sa kanilang mga fan page, ay makikita ang napaka-cute na si Dahlia na nagtatago sa likod ng mga unan sa kanilang sofa, upang maitago ang sarili at hindi makita ng kanyang Mommy Anne.

Sa katunayan, kahit isang taon pa lamang si Dahlia ay mapapabilib ka na sa kanyang ginawa, dahil kahit nakasilip ang ilang bahagi ng kanyang katawan sa unan na pinagtaguan, ay makikitang hindi ito gumagalaw at tahimik lang sa isang tabi, na tila marunong ng dumiskarte sa kanyang pagtatago.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Dahil dito ay marami naman sa kanilang mga fans ang hindi napigilang mapabilib sa galing ni Dahlia sa paglalaro ng hide and seek kasama ang kanyang Mommy Anne.

The post Anne Curtis, masayang nakipaglaro ng hide & seek sa anak na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments