Andrea Brillantes, masayang ipinasilip ang kanyang makulay at magandang teenage-themed na kwarto

Isa sa mga kilalang personalidad ngayon sa industriya ng showbiz ay ang young actress na si Andrea Brillantes o mas kilala sa tawag na Blythe. Sa kanyang patuloy na pagpapamalas ng husay sa larangan ng pag-arte, ay isa rin siyang kilalang vlogger na nagbibigay saya at tuwa sa kanyang mga tagahanga.


Credit: @blythe on Instagram

Sa dami ng proyekto at oportunidad na dumating sa kanyang buhay, ay nakapagpatayo na ng sariling bahay si Blythe, na siyang minsan na nyang binahagi sa kanyang social media account.

At kahit wala pa mang opisyal na house tour, ay masaya namang winelcome ng aktres ang kanyang mga fans sa munting pasilip ng kanyang kwarto.




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Ang kwarto ni Blythe ay matatagpuan sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan, na ang aktres mismo ang nagdecide na dito ilagay ang kanyang kwarto, sa kadahilanang pangarap nya ay sa attic ng bahay mismo ilagay ang kanyang kwarto.

Aniya, “Itong kwarto na ‘to kaya sya nasa 3rd floor, kasi pangarap ko talagang kwarto ay sa attic and sinadya ko talaga maging ganito sya.”


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Bago makapasok sa kanyang kwarto, ay bubungad sayo ang mga magagandang artworks na ginawa at binigay ng kanyang mga fans.

Sa mismong kwarto ni Blythe ay mamangha ka naman sa makulay at magandang kwarto ng dalaga, na siyang makikita ang pagiging teenage- themed ng naturang silid.

“kasi sabi ko talaga sa interior designer, na gusto ko talaga very teenager yung kwarto ko.”


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Sa tulong ng kanyang interior designer na Mundo Design and Build, ay naisakatuparan ang matagal ng hinahangad ng aktres na itsura ng kanyang magiging kwarto.

Pagpasok pa lamang ay bubungad na sayo ang kanyang sariling snack bar, na makikita ang iba’t-ibang food makers at ang kulay pulang mini ref na siyang regalo naman ng aktres na si Dimples Romana noong kanyang 18th birthday.

Kalapit naman nito ay ang kanyang tambayan area, na kung saan ay makikita ang isang sofa bed at isang flat TV screen, na regalo ng kanyang ninang na si Sylvia Sanchez.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Sunod namang ipinasilip ni Blythe ang kanyang makulay na locker na siyang niregalo ng kanyang ina.

“Niregalo ulit sa’kin ng Mommy ko kasi pangarap ko talaga magkaroon ng locker. Kasi wala ako masyadong highschool experience – homeschool kasi ako, very busy ako nung highschool.”

Kwento pa ni Blythe, ay halos inabot siya umano ng 3 hanggang 4 na oras, na dinikit ang mga stickers na makikita sa pintuan ng kanyang locker.

Sa loob naman ng kanyang locker, ay dito makikita ang highschool ID at school uniform na ginamit ng aktres sa teleseryeng Kadenang Ginto bilang si Margaret Bartolome.

Ipinakita rin niya ang kanyang muni-muni area, ang sariling music corner na may drum set, ang kanyang high top kitchen table, collection showroom at loft bed.




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Bukod pa dyan, ay kamangha-mangha naman ang favorite spot ni Blythe sa kanyang kwarto ang sariling vanity mirror with wallpapers. Tila hindi lamang ito basta wallpapers, kundi ito ay mga iba’t-ibang movie posters na napanood na ng aktres.

The post Andrea Brillantes, masayang ipinasilip ang kanyang makulay at magandang teenage-themed na kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments