Dominic Roque, inaming nakikita na ang future kasama ang girlfriend na si Bea Alonzo

Marami ang kinilig sa naging chikahan at kwentuhan ng magkakaibigang aktor at aktres na sina Dominic Roque, Khalil Ramos at Gabbi Garcia.


Credit: Gabbi Garcia Youtube Channel

Sa masayang interview na ginawa ng celebrity couple sa kanilang podcast na, “Figure It Out with Gabbi and Khalil,” ay dito na nagsimula ang nakakakilig na mga sagutan ni Dominic patungkol sa kanilang relasyon ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.

Tila sa simula pa lamang ng kanilang kwentuhan, ay makikita na hindi pa gaano kasanay si Dominic na magkwento patungkol sa kanyang relasyon. Kaya naman todo ang naging asar ni Gabbi at natatawang sinabi ng aktres, “Bakit ayaw mong sabihin? Parang alam naman yata ng lahat.”




Credit: Gabbi Garcia Youtube Channel

“Maraming may alam pero ito yung time na nakapag-out kami. Hindi mo na iniisip yung galaw mo, yung sasabihin mo, you can be yourself, ‘yun yung masarap sa feeling,” sagot naman ng aktor.

At ng tanungin naman nina Khalil at Gabbi si Dominic patungkol sa kung pinag-usapan ba nila ni Bea ang naganap na pag-amin sa US, ay sinagot naman niya ang katanungan na hindi naman talaga nila sinikreto ang kanilang relasyon at hindi rin daw nila plinano na magiging open na sila sa publiko.

Aniya, “Hindi naman talaga namin sinecret. Natuwa naman kami kasi naging maganda yung ano [pagtanggap] sa amin.”


Credit: @dominicroque on Instagram

Dagdag pa ng aktor, “Siguro kasi right moment. ‘Yun nga yung lagi kong sinasabi sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko is yung God’s perfect time. Siguro ito lang din yung time na binigay sa amin para lumabas kami together. So very thankful, na ginuide kami ni Lord sa journey namin together.”

At kung tatanungin kung nakikita na nga ba ni Dominic ang kanilang future ni Bea, ay agad naman niya itong sinagot. “Ngayon, mas ano ako, mas masaya. I can see our future together. Kasi nasa tamang edad na rin ako.”

Nagsimula umano ang masaya at nakakakilig na love story nina Bea at Dominic, ng sila ay magbakasyon sa Tokyo, Japan na kasagsagan ng Halloween noong taong 2019.

Inimbitahan umano ng aktor si Bea na sumama papuntang Zambales kasama ang kanilang mga kaibigan, na siyang tinanggihan ng aktres dahil ito ay nakatakdang lumipad patungong Japan.




Credit: @dominicroque on Instagram

Kaya naman biniro nya si Bea na sya raw ay sasama, at mula sa mga larawan nilang apat na magkakasama ay tila sumunod nga ang aktor sa Japan.

Ayon kay Khalil, “Doon ang simula ng istorya ng iyong journey of love.”

At nang tanungin ni Gabbi si Dominic kung worth it ba ang bagong lovelife, ngiting-ngiting sinagot ito ng aktor at sinabing, “Sobrang worth it.”

The post Dominic Roque, inaming nakikita na ang future kasama ang girlfriend na si Bea Alonzo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments