Broadcast Journalist na si Rhea Santos, masayang ipinagdiwang ang ika-unang anibersaryo ng kanilang news program sa Canada

Kung paghahatid ng balita ang pag-uusapan, marahil ang pagiging isang reporter ay hindi madali. Dahil kaakibat ng bawat kwento at balita ay ang dedikasyon ng isang mamamahayag na buong tapang at lakas na inilalaan ang kanilang sarili upang makapagbigay ng napapanahong balita sa publiko.


Credit: @msrheasantos on Instagram

Kahit na anong panahon, mapa bagyo man o lugar ng pinangyarihan ng isang insidente, makakaasa ka na ang mga reporters ay ginagampanan na ang kanilang tungkulin na makapagbalita.

Marami nga ang humanga sa broadcast journalist na si Rhea Santos, na sa kabila man ng kanyang desisyon na manirahan sa ibang bansa ay marami pa din ang naghahangad na siya ay muling masilayan at maipagpatuloy ang kanyang talento sa pagiging isang mahusay na mamamahayag.


Credit: @msrheasantos on Instagram

Kwento ni Rhea, sa kaniyang paglipad patungong Canada ang tanging dasal niya sa Panginoon ay, ““Help me to find my place here.” This has always been a part of my prayer when we started a new life in Canada.”




Credit: @msrheasantos on Instagram

Dagdag pa niya, “Everyday, I would ask myself, “ano kayang mangyayari sa pamilya namin?” During my commutes to school, when I was still a student, I’d find myself saying, “Kayo na po ang bahala”.”

Tunay ngang hindi madali magsimula ulit sa isang lugar na hindi ka pamilyar at hindi mo nakasanayan. Ngunit dahil sa dedikasyon at patuloy na pagdarasal ni Rhea, na siya ay gabayan at ilagay sa tamang landas, agad naman dumating ang biyaya sa kanyang buhay ng siya ay maging isang news anchor sa isang local news company sa Canada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhea Santos (@msrheasantos)


Aniya, “I was ready to try new things and start a new “me”. A year after taking a leap of faith and dealing with uncertainty, who would have thought that a Filipino news program in Canada was in the works!?”


Credit: @msrheasantos on Instagram

At makalipas nga ng isang taon, ay masayang ipinagdiriwang ng dating Unang Hirit host at news anchor na si Rhea ang kanyang ika-unang anibersaryo bilang mamamahayag sa kanilang news company.

“Today marks our news program’s first year anniversary. I’m blessed to be here and to be part of a hardworking team.”




Credit: @msrheasantos on Instagram

Malaki ang naging pasasalamat ni Rhea sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, lalo na sa trabahong kinabibilangan nya ngayon.

“My heart is full and I want to thank all of you for giving me another chance to do what I love. Happy anniversary to us #OMNIFilipino ❤

The post Broadcast Journalist na si Rhea Santos, masayang ipinagdiwang ang ika-unang anibersaryo ng kanilang news program sa Canada appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments