Alex Gonzaga, ibinahagi ang masayang family joyride adventure kasama sina Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Uncle Jojo

Isa na namang masaya at kapana-panabik na adventure ang hatid ng vlogger actress na si Alex Gonzaga-Morada, sa kanyang pinaka latest vlog na ibinahagi nito sa kanyang YouTube channel.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kung kamakailan lamang ay nakasama niya ang kanyang asawa na si Mikee Morada sa isang nakakatuwang ride adventure, ngayon naman ay ang magulang ng aktres na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ang nakisaya sa masayang vlog na ito ng aktres.

Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi pamamasada ng tricycle ang kanilang gagawin, kundi isang nakakatuwang joyride sakay ang isang lumang owner-type jeep na pagmamay-ari mismo ni Daddy Bonoy.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Bukod kay Alex at kapatid na si Toni Gonzaga, ay mayroon na ring sariling YouTube channel ang kanilang mga magulang.

At sa kanilang huling vlog ay biniro pa ni Daddy Bonoy ang kanyang asawa, nang sabihin nito na ang owner jeep ang kanilang gagamiting sasakyan papuntang restaurant, na agad namang hindi sinang-ayunan ni Mommy Pinty.

At dahil galing sa Happy Cup si Mommy Pinty, ay naisipan nina Alex at Daddy Bonoy na sunduin ito gamit ang kanilang owner jeep na sasakyan.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ayon sa aktres, ay paniguradong mag-iinit raw ang ulo ng kanyang Mommy dahil sa tagal ng kanilang byahe at sa sasakyan na kanilang ginamit na pangsundo sa kanya.

Aniya, “Magagalit ang Mommy sa’tin, ang tagal natin e. Lalo iinit ulo nun, ‘pag nakita na ito.”

Tila nagkatotoo nga ang hinuha ni Alex at pagkakita pa lamang sa kanila ni Mommy Pinty, ay ganito na agad ang bungad sa kanilang mag-ama, “Ano ba ‘yan! Nakakainis naman ito, nakita mo naman ang attire ko oh!”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Dagdag pa ni Mommy Pinty, “Ano ba ito road test? Road test lang ba ito? Ito pa pinangsundo niyo sa akin.”

“Sa susunod, ‘pag meron kayong pinaplano, ipaalam niyo sa akin!”

Hindi man natuwa si Mommy Pinty sa kanyang nakita, ay sumakay pa rin ito sa sasakyan at sumama sa kanyang mag-ama kasama ang kapatid na si Uncle Jojo.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa kasagsagan ng kanilang byahe ay nagawa pang biruin ni Alex ang kanyang ina, at sinabing, “Mommy ‘bat ikaw lang yung sinundo na masama ang loob? Ganda-ganda ng pagkakasundo namin.”

“Sana hindi niyo na ako sinundo.”

Sa kabila man ng hindi natutuwang reaksyon ni Mommy Pinty ay malaki naman ang naging pasasalamat ni Alex ng ibahagi niya sa mga viewers na noon raw ay hindi magagandang sasakyan ang kanilang ginagamit.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ngunit dahil sa kanilang sipag at tiyaga, ay biniyayaan sila ngayon ng magagandang sasakyan na ipinagpapasalamat ng aktres sa Panginoon.

“Kami nung bata kami, as in sobra talaga naming hilig lalo na ang Ate ko. ’Yan talaga yung pangarap [namin] at ‘yan talaga yung gusto namin, magkaroon kami ng bagong kotse for the longest time habang nag-o-audition ang Ate ko. Finally, nagkaroon naman kami, thank God talaga,”

The post Alex Gonzaga, ibinahagi ang masayang family joyride adventure kasama sina Daddy Bonoy, Mommy Pinty at Uncle Jojo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments