Nag-gagandahang throwback pictures ni Ina Raymundo, kamangha-mangha sa taglay nyang angking kagandahan

Sa edad niyang 45, ay palaisipan at katanungan pa rin ng karamihan kung paano napapanatili ng celebrity mom na si Ina Raymundo, ang pagkakaroon ng magandang mukha at pangangatawan.

Dahil kahit lima na ang kanyang anak ay hindi pa rin sya nawawala sa spotlight, bilang isa sa mga hinahangaan at tinitingala ng mga kababaihan pagdating sa kagandahan.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Kung lubos na iisipin, hindi lahat ng kababaihan ay kaya ma-maintain ang kanilang magandang mukha at body figure sa paglipas ng mahabang panahon. Lalo na kapag dumating na sa yugtong pagpapamilya at pagkakaroon na ng anak ang iyong prayoridad.


Credit: @inaraymundo95 on Instagram

Ganunpaman, nagsilbi namang inspirasyon si Ina na kahit isa ng ina ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda at pagkakaroon ng magandang hubog ng pangangatawan.

Sa katunayan pa nga, ay tila hindi naman talaga nagbago ang kanyang itsura dahil kahit noong kanyang kabataan, ay likas na sa aktres ang pagkakaroon ng mala diyosang mukha.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Tulad na lamang ang lumang larawang ibinahagi ni Ina sa kanyang Instagram, makikitang nakasuot ito ng isang classic long dress, na talaga namang kahit bata pa lamang ang kanyang itsura ay litaw na litaw na rin ang kanyang kagandahan.

Maliban pa dyan ay mayroon ring lumang litrato ang aktres noong siya ay sweet 16 pa lamang, at sa litratong ito ay makikita namang siya ay nakasuot ng isang pink spaghetti strap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


“Sweet & curly at 16 #sweet16 #blastfromthepast #27yearsago”

Tila sa larawang ito ay hindi lamang ang kanyang magagandang ngiti ang mapapansin, kundi pati na rin ang kanyang natural curly hair ay nagbigay kagandahan rin sa kanyang maamong mukha.

At bago pa man sumabak sa pag-aartista, ay naging modelo na rin si Ina mula pa man noong siya ay 18 taong gulang pa lamang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


“Throwback: 1994 Floral dresses remind me of my teen years. I was 18 here doing some modeling.😊

Tunay ngang kahit sa kanyang kabataan ay umaapaw na ang taglay nyang kagandahan, na kahit na sino ay mapapalingon kapag siya ang makakasalubong.

The post Nag-gagandahang throwback pictures ni Ina Raymundo, kamangha-mangha sa taglay nyang angking kagandahan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments