Jessy Mendiola, ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang kaniyang pinagkakaabahalan sa bahay ng mother-in-law na si Vilma Santos

Kung magandang mukha at pangangatawan lang rin naman ang pag-uusapan, ay tiyak na hindi mawawala sa listahan ang aktres na si Jessy Mendiola-Manzano. Sa katunayan, ay hindi lamang ganda ang kanyang naging puhunan kundi pati na rin ang kanyang talento sa pag-arte ay isa rin sa mga kahanga-hangang katangian ni Jessy.


Credit: @senorita_jessy on Instagram

Bukod kasi sa pagiging mahusay na artista, ay pinasok na rin ng aktres ang mundo ng pagba-vlog. Sa katunayan, ay parehas na rin sila ng kanyang asawa na si Luis Manzano na may sarili na ring YouTube channel, at sa mga videos nga nilang dalawa ay madalas silang makitang magkasama.

Simula ng pag-iisang d!bdib nina Jessy at Luis noong February 21, 2021, ay marami na ang nakatut0k sa kanilang social media at interesadong masaksihan ang kanilang buhay mag-asawa.




Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Kaya naman upang pagbigyan ang matagal na kahilingan ng kanilang mga fans, ay isinama ni Jessy ang mga netizens sa kaniyang “A day in a Life” kasama ang kanyang howhow na si Luis sa bahay ng kanilang Momskie na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto.

At dahil MECQ pa rin noon ang buong Metro Manila, ay naisipan ng mag-asawa na magbakasyon at pansamantalang manatili sa bahay nina Ate Vi at asawang Senator Ralph Recto, upang makipag-bonding sa kanila.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Sa pagsisimula ng araw ni Jessy sa bahay ng kanyang in-laws, ay sinimulan nya ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang morning routine. Pagkagising ng aktres, ay agad nitong sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-inom ng kape at pagwowork-out.

Samantala, ay makikitang naki-workout rin si Luis na siyang isa sa mga kadalasang ginagawa nila mag-asawa.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Pagdating naman ng tanghalian, ay nagkaroon naman ng masayang kainan at kwentuhan ang buong pamilya, at sabay-sabay kumain ng magkakasama.

Matapos ang lunch time, ay ito naman ang mga oras na sila ay “tambay mode”, na kung saan ay na-eenjoy nila ang panonood ng movies at makipaglambingan sa kanilang fur baby na si Chewie.

Si Chewie ay ang kauna-unahang aso na iniregalo ni Luis kay Jessy noong kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Ngayon na kasal na ang aktres kay Luis, ay mas lalo pa ng niyang nakilala ang mabait na pamilya ng kanyang asawa. Ayon pa sa kanya, “Sobrang nakakatuwa lang kasi mas nakikila ko yung family ni Howhow [Luis]. Natutuwa ako na kumbaga lahat ng mga bagay na kailangan kong gawin, nagagawa ko na dito kasi very active din sila.”




Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

At kung tatanungin naman ang plano nina Jessy at Luis pagdating sa sa pagkakaroon ng anak, na siyang naging katanungan ng ama ng aktres na si Papa Roger ay agad naman itong sinagot ni Luis na, “Working on it”.

Naganap ang civil wedding nina Jessy at Luis sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas, na dinaluhan ng malalapit sa kanilang buhay.

The post Jessy Mendiola, ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang kaniyang pinagkakaabahalan sa bahay ng mother-in-law na si Vilma Santos appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments