Sofia Andres, ipinasilip ang kanyang classic elegant-themed design na ipinapagawang kwarto

Patok na patok ngayon sa social media ang munting pasilip ng mga kilalang personalidad at mga sikat na celebrities, tungkol sa kanilang mga naggagandahan at naglalakihang mga kwarto o silid tulugan. Hindi maitatanggi na sa bawat pag-flex ng kanilang mga kwarto ay siya namang nagsisilbing inspirasyon rin sa karamihan.


Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

Bukod kasi sa dagdag ideya at kaalaman patungkol sa mga magagandang disenyo ng kanilang silid, ay marami rin naman ang namamangha sa taglay na galing ng mga interior designers, isama na ang magagandang concept na naiisip ng kanilang mga kliyente.

Tila ganito nga ang hatid ng aktres na ngayon ay celebrity mom na rin na si Sofia Andres, nang ipasilip niya sa publiko ang disenyo at itsura ng kanyang silid.




Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

Sa room tour na ginawa ni Sofia, ay masaya niyang ipinakita ang bawat bahagi ng kaniyang classic elegant na kwarto, na siyang kasalukuyan pang tinatapos.

Sinimulan ito ng aktres sa pagbabahagi ng kanyang Canadian kitchen, na makikita ang pagiging elegante ng itsura nito, magmula sa paborito nyang marble design hanggang sa kulay dark gray ng mga cabinets.


Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

Katulad ng disenyo ng kanyang kusina ay ganito rin naman ang makikitang itsura ng kanyang comfort room, na magmula sa wallings ay marble design rin ang kanyang napili.

Kapansin-pansin rin ang mga gold accent ang bawat bahagi ng kanyang kwarto, magmula pa lamang sa faucet, shower, pati na rin ang mga ilaw na makikita sa kanyang rito.


Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

“Basically, the design was more of fem classic design, and then for the accessory I think of some gold finishes that compliments Sofia’s personality.”

Ayon kay Sofia ay halos dalawang taon na mula noong siya ay magbuntis sa kanyang anak na si Zoe, ng simula niyang ipaayos ang kanyang silid.

“It’s been like two years na, buntis pa ko nun. Ngayon pa lang sya matatapos.”

Kwento pa ni Sofia, hindi umano naging maganda ang kanyang naging experience sa unang interior designer, kaya naman nag-decide ang aktres na humanap muli ng bago at dahil dito ay natagpuan niya ang mahusay na interior designer na si Karl Dioso.


Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

“I was really looking for a new interior designer, so I found him on Instagram – sabi ko I wanted to finish this na, at least this year.”

Sunod rin naman ipinakita ni Sofia ang kanyang tinatapos na walk-in closet, ang sariling king size bed at ang paboritong bahagi ng aktres sa kanyang kwarto ay ang malambot niyang green sofa.




Credit: Daniel and Sofia Youtube Channel

“my favorite part of the room is this one, the sofa.”

The post Sofia Andres, ipinasilip ang kanyang classic elegant-themed design na ipinapagawang kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments