Angeline Quinto, ibinahagi ang naging masayang bakasyon kasama ang mga kaibigan sa Baguio City

Ang pagbabakasyon sa magagandang lugar ay isa lamang sa mga madalas na ginagawa ng mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz. Marahil isa ito sa kanilang mga paraan upang makalayo muna sa stress na dala ng kanilang trabaho, at pansamantalang mag-relax sa magandang view kasama ang mga mahal sa buhay.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tulad na lamang ang singer at aktres na si Angeline Quinto, na masayang ibinahagi sa kanyang latest vlog; ang pamamasyal nito sa kilalang City of Pines ng Pilipinas, ang Baguio City.

Kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan, ay sinulit ni Angeline ang mga panahon na sya ay maaari pang makabyahe bago isailalim noon sa ECQ ang buong Metro Manila.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman binisita niya ang bahay ng kanyang mga kaibigan sa Alphaland Baguio Mountain Lodges, upang makipag bonding sa mga ito at muling mabalikan ang lugar na paboritong puntahan nila ng kanyang Mama Bob.

“Isa ito sa mga paborito kong lugar, namin ng Mama Bob actually.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa kanilang unang araw sa Baguio, ay masayang nakipagkwentuhan at nakipag-bonding si Angeline sa kanyang mga kaibigan. At ipinasilip ang isa sa napakagandang overlooking view na matatagpuan sa Baguio.

Tunay ngang kahit may mga pagkakataong ramdam ang kainitan ng panahon, ay tiyak na ang City of Pines ang perfect na pasyalan sa mga gustong mag-relax at damhin ang kalamigan ng klima roon.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa kanilang ikalawang araw, ay naisipan nina Angeline na magpapawis at mag-jogging bago simulan ang kanilang napakasayang umaga.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagja-jogging ay napahinto sina Angge sa isang helipad na overlooking view, upang makisabay sa uso at gayahin ang madalas na ginagawa ng karamihan sa social media, ang pagsigaw sa mataas na lugar at ilabas ang kanilang tunay na nararamdaman.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ayon kay Angeline, “Dapat dito niyo sinisigaw yung mga problema niyo, sa ganito kataas na lugar. Yung wala halos makakarinig sa atin.”

“sa lahat ng mga ex ko, na nanloko sa’kin, sa inyong sa inyong sa inyo na lahat ng binigay ko.”

At dahil nga sa kagustuhan nyang isigaw ang tunay na nararamdaman ay tila hindi naman ito tinapos ni Angge, dahil hindi umabot sa pangatlo ang kanyang bilang patungkol sa kakalimutan na raw nya ang kanyang mga ex.

“pag bilang kong tatlo, kakalimutan ko kayong lahat. Isa, dalawa, dalawa, dalawa….”




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Magmula sa napakagandang tanawin na hatid ng Baguio City, ay ibinahagi ni Angeline na gusto din niyang ikasal doon, na minsan ng naging venue ng enggrandeng kasal ng aktres na si Ara Mina sa asawang si Dave Almarinez.

“dito nga rin ako magpapakasal. Pero dahil magtitipid tayo, lahat ng mga guest natin dito, walang sasakyan.”

“so lahat nakatakong, bahala kayo diyan, ewan ko kung may magpunta.” Pabirong sinabi ni Angeline.

The post Angeline Quinto, ibinahagi ang naging masayang bakasyon kasama ang mga kaibigan sa Baguio City appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments