Paolo Contis, nagsalita na at binigyang linaw ang issue tungkol sa kanilang hiwalayan ni LJ Reyes

Isa ang celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis sa mga nagbigay tuwa, saya, at inspirasyon sa karamihan, dahil sa kanilang pagkakaroon ng masayang pamilya at magandang samahan na nabuo mula sa kanilang pagsasama.

Marami sa kanilang mga taga subaybay ang nag-aabang sa kanilang mga life updates sa social media, lalo na kapag nasilayan na ang masayang bonding kasama ang mga anak na sina Summer at Aki na anak ni LJ sa dating kasintahan na si Paulo Avelino.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Kaya naman simula ng lumabas ang usapin patungkol sa isyung hiwalayan nina LJ at Paolo, ay marami ang nabigla at nalungkot, kasabay nito ang pagdating ng iba’t-ibang espekulasyon patungkol sa kanilang naging hiwalayan.

At para sagutin ang bawat katanungan ng publiko patungkol sa isyu, ay matatandaang nagsalita na si LJ, at inilahad ang saloobin sa naging panayam nito sa The King of Talk na si Boy Abunda.

Matapos ang paglalahad ng kanyang saloobin, ay marami pa ring katanungan at isyu ang lumabas patungkol sa kanilang hiwalayan, kaya naman ngayong September 8, 2021, ay naglabas ng statement si Paolo sa kanyang Instagram account at inilahad ang kanyang saloobin patungkol sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Aniya, “After lumabas ang interview ni LJ, katak0t tak0t na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…”

Ilan sa kanyang mga nilinaw ay patungkol sa mga usapin na siya raw ay gumagamit ng ipinagbabawal na dr0ga, na agad niyang itinanggi na ito raw ay hindi totoo.




Credit: @paolo_contis on Instagram

“Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drgs and as a result, sinas@ktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.”

At ang pinakamainit na kontrobersyal patungkol sa isyu ng kanilang hiwalayan ay dahil umano sa third party, ay agad na ring sinagot at inamin ng aktor ang nagawang kamalian.

Aniya, “Aaminin ko, naging marupok at g@go ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Ilan pa sa kanyang mga sinagot at binigyang linaw ay tungkol sa pagdawit ng pangalan ng aktres na si Yen Santos, ang kanyang manager na si Lolit Solis, at ang pagpunta nya sa Baguio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Sa kabila ng inilabas ni Paolo na statement, humingi rin sya ng kapatawaran sa publiko, lalo na sa kanyang anak na si Summer, kay Aki pati na rin kay LJ.

The post Paolo Contis, nagsalita na at binigyang linaw ang issue tungkol sa kanilang hiwalayan ni LJ Reyes appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments