Aktres na si Ysabel Ortega, ipinasilip ang kanyang napakagandang Modern Balinese theme na kwarto

Para sa mga celebrities, napakahalaga para sa kanila ang pagkakaroon ng tinatawag na personal space, na nagsisilbing pahingahan nila matapos ang buong araw na pagtatrabaho. Bukod kasi sa ikaw ay makakapag-relax, iba rin ang hatid nito sa pakiramdam, lalo na kung masilayang maayos at maaliwalas ang bahay o kwarto na iyong inuuwian.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Isa na nga dyan ang aktres na si Ysabel Ortega, na kamakailan lang ay ibinahagi nya sa publiko ang kanilang modern-Balinese inspired na dream house.

At magmula nga ng ipasilip ni Ysabel ang kanilang mala mansyong tahanan, ay marami na sa kanyang mga fans ang nagre-request na ipasilip rin niya ang kanyang sariling kwarto.




Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Kaya ngayon, tila the long wait is over na dahil ipinasilip na ng aktres sa kanyang YT channel ang modern-balinese inspired design na kaparehong disenyo mismo ng kanilang bahay ang itsura ng kanyang kwarto ngayon.

“As you guys know, yung house talaga namin is modern Balinese and I wanted to reflect that din sa room ko. So, yung mga wooden elements, mga white walls na nakikita niyo sa labas ng room ko sa mismong house namin, I really wanted to reflect that here in my room but at the same time, yung medyo taste ko naman din.”


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kanyang kwarto ay bubungad na sayo ang kanyang wooden dresser na isa sa mga paboritong gamit ng aktres sa kanyang kwarto.

Sa ibabaw nito ay dito naman nakalagay ang ilan sa kanyang mga dekosrasyon, at ang kanyang paboritong candles na Yankee at Jo Malone ay hindi rin maaaring mawala sa loob ng kanyang silid.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Katabi naman ng kanyang dresser ay isang lamp at ang kanyang mini reading nook area, na madalas tambayan ng aktres sa tuwing gusto niyang magbasa ng libro.

Bukod sa paborito nyang dresser, ay ipinakita rin ni Ysabel ang kanyang pinaka favorite na gamit, ang polaroid camera na madalas namang gamitin ng aktres sa tuwing gusto nyang mag-take ng pictures kasama ang kanyang mga kaibigan at pinsan.

“This is my super super super favorite thing ever. I super love to take pictures, and I am in love with my polaroid camera.”


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Magmula sa kanyang kwarto ay kapansin-pansin na ang mga wooden elements at ang iba’t-ibang textures na makikita sa kanyang white brick wall at wooden panels na ceiling.

Makikita rin sa loob ng kanyang kwarto ang kanyang kama, dalawang sise tables, at ang sariling lounge area na may sofa at isang wooden coffee table.




Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Halos karamihan sa mga kagamitan na makikita sa kanyang kwarto ay mga gawang lokal, na syang kamangha-manghang talento na ginawa ng mga Filipino artists.

The post Aktres na si Ysabel Ortega, ipinasilip ang kanyang napakagandang Modern Balinese theme na kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments