Ryzza Mae Dizon, nagbigay ng panibagong pasilip sa mga updates sa kanyang ipinapatayong bagong bahay

Pangarap ng bawat isa ang magkaroon at makapagpatayo ng isang napakagandang bahay, na matatawag bilang tahanan sa pagbuo ng mga pangarap at hangarin sa buhay kasama ang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

At pagdating nga sa usaping ito, ay tiyak na hindi na bago sa paningin at pandinig ng karamihan ang kaliwa’t kanan na video house tour ng ating mga hinahanggang artista sa mundo ng showbiz.

Ang pagbibigay ng update sa kanilang mga tagahanga ay isa sa kanilang pamamaraan upang ibahagi ang munting pasilip sa bahay na kanilang naipundar na bunga ng kanilang pagsusumikap.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Isa na nga sa mga ito ay ang hinahangaang TV personality, host at aktres na si Ryzza Mae Dizon o mas nakilala ng karamihan bilang si Aling Maliit.

Sa edad na 16, ay hindi maikakaila na matagal ng pinapangarap ni Ryzza ay ang makatulong at ang maibigay ang “best” para sa kanyang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Kaya naman sa kabila ng kanyang dedikasyon at pagsusumikap sa trabaho bilang isa sa pinakabatang TV host ng longest running noon time show na ‘Eat Bulaga’, ay nakapagpatayo muli ng panibagong bahay si Ryzza sa Pampanga para sa kanyang pamilya.

Matatandaang kamakailan lamang nang ibahagi ni Ryzza sa publiko na under construction pa rin ang kanyang ipinapatayong dream house, na siyang matatanaw sa lupain na pinagtayuan nito ang napakagandang view ng Bundok Arayat.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

At makalipas nga ang halos dalawang buwan ay nagbigay muli ng house update si Ryzza sa bahay na kasalukuyan pa ring tinatapos.

Nito lamang ika-17 ng Pebrero ay isinama muli ni Aling Maliit ang kanyang mga tagasubaybay sa kanilang ipinapatayong bahay sa Pampanga, na kung saan ay mapapansin mula rito ang ilan sa mga bagong nadagdag at natapos sa naturang construction.

Ilan sa mga ipinasilip ni Ryzza ay ang kasalukuyang tinatapos nilang kusina, mga kwarto, CR pati na rin ang kanilang terrace.





Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Samantala, kapansin-pansin rin naman ang pagiging malapit ni Ryzza sa ilan sa mga construction workers, na makikitang ang bawat isa sa mga ito ay kanyang ipinapakilala at kinakausap na tila parang isang kaibigan.

Tila kakaunting panahon na lamang nga ang hihintayin at matatapos na rin sa wakas ang dream house na ipinatayo ni Ryzza para sa kanyang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Maliban sa bahay na kanyang ipinapatayo sa Pampanga, ay nakapagpundar rin ng bahay ang TV host sa Quezon City na siyang unang ipinatayo nito para sa kanilang pamilya.

The post Ryzza Mae Dizon, nagbigay ng panibagong pasilip sa mga updates sa kanyang ipinapatayong bagong bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments