Jillian Ward, masayang ipinasilip ang kanyang bonggang kaarawan at mga natanggap na regalo magmula sa kanyang mga tagahanga

Hindi lamang sa kanyang anking kagandahan siya ay hinangaan ng karamihan, kundi maging sa kanyang ipinakitang husay at galing sa pag-arte ay talaga namang isa siya sa mga tinututukan ng madla.


Credit: @jillian on Instagram

Ngunit maliban nga sa pagiging Kapuso actress ni Jillian Ward, ay isa rin siya sa mga maituturing na “most loved and most followed” ng mga Filipino celebrities sa social media.

Kaya naman hindi kataka-taka na nakamit ni Jillian ang halos 16 million followers sa Facebook, 3.5 million sa Instagram at 322K subscribers sa YouTube.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


At magmula nga sa kanyang natamong kasikatan ngayon, ay hindi kataka-taka na mas lalo pang dumami ang kanyang mga supporters at tagahanga, lalo pa’t ng kanyang gampanan ang karakter bilang Donna Marie sa teleseryeng Prima Donnas na pumukaw sa atensyon ng madla sa telebisyon.


Credit: @jillian on Instagram

Tunay ngang hindi lamang ganda ang kanyang ambag sa industriya dahil sa kanyang pagiging mahusay na aktres, ay nagsilbi rin siyang inspirasyon sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta para sa kanya.

Kaya sa selebrasyon ng kanyang ika-17 taong kaarawan nito lamang Huwebes, ika-25 ng Pebrero ay labis na pinasalamatan ni Jillian ang lahat ng bumati at naka-alala sa isa sa mga espesyal na araw ng kanyang buhay.


Credit: @jillian on Instagram

Aniya, “It’s my birthday! Today, I’ll be celebrating those I deeply love. I perpetually thank God for everyone in my life. I’m full of gratitude for all the opportunities, knowledge, and blessings I’ve been acquiring, too. Thank you for all the beautiful birthday greetings! Everything is Love. Love, J.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


At sa pagdiriwang nga ng kanyang kaarawan, ay makikita naman ang nag-uumapaw na tuwa at kaligayahan sa mukha ng Prima Donnas Star, matapos makatanggap ng mga bonggang sopresa at regalo magmula sa kanyang pamilya, kaibigan at mga solid supporters.


Credit: @jillian on Instagram

Bahagi ng sorpresang natanggap ni Jillian ay ang regalong inihanda ng kanyang mga fans, na kung saan ay isang electronic billboard lang naman sa EDSA Guadalupe ang binigay ng mga ito para sa kanilang iniidolo.

Maliban pa diyan ay isang napakagandang birthday set-up design rin ang inihanda ng mga Jillianatics at JillianAdmirers para sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Labis namang pinasalamatan ni Jillian ang kanyang pamilya at mga fans para sa lahat ng mga regalo at sweet birthday message na kanyang natanggap mula sa kanila.


Credit: @jillian on Instagram

“Thank you for all the birthday gifts, and birthday wishes! My heart is full. You all mean so much to me! Love you all.” Saad ni Jillian.

“Thank you to my #Jillianatics x #JillianAdmirers family for the grazing table, and set up! / thank you to my Papa for cooking the yummiest seafood dishes! / thank you @sweetpastry.cakes for the sweetest cakes!” patuloy pa niya.

The post Jillian Ward, masayang ipinasilip ang kanyang bonggang kaarawan at mga natanggap na regalo magmula sa kanyang mga tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

1 Comments

  1. The Best casino game slots - DrmCD
    A 광양 출장안마 great 김제 출장안마 variety of casino games and slots have made the game a favourite for many 구리 출장안마 players. It's also one of the most enjoyable games of all time and offers 공주 출장샵 a 상주 출장안마

    ReplyDelete