Alex Gonzaga at asawa nyang si Mikee Morada, sinubukan ang pagiging delivery driver ng isang buong araw

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ay pagbibigay saya, ay tila unang-una na sa listahan ay ang vlogger-actress at TV host na si Alex Gonzaga.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa bawat vlog na ibinabahagi sa kanyang Youtube Channel, ay talaga namang kahit sino ay maiiyak sa kakatawa dahil sa kasiyahang naihahatid ni Alex sa kanyang mga tagasubaybay.

At tulad nga ng ilang mga kilalang content creators, isa na si Alex sa mga sikat na vlogger ngayon sa Pilipinas na may higit kumulang na 12.2 million subscribers na sa YouTube.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

At dahil hatid niya ay katatawanan at panibagong good vibes na naman, ay isang masayang adventure at nakakatuwang vlog ang muling hatid ng aktres sa mga manonood.

Ngunit, sa pagkakataong ito ay hindi isang prank o masayang bakasyon ang iyong masisilayan, kundi isang masayang adventure ang ginawa ni Alex kasama muli ang kanyang loving at supportive husband na si Mikee Morada.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Nito lamang Lunes, ika-28 ng Pebrero, ay nagmistulang delivery drivers sina Alex at konsehal ng Lipa na si Mikee na kung saan ay sila mismo ang naghatid ng mga pagkaing in-order ng mga costumers sa isang kilala at reliable na delivery platform.

Pagbabahagi ni Alex, “Alam niyo naman na ang mga drivers natin, sila talaga yung naging frontliner natin at sila ang dahilan kung bakit tayo nabuhay ngayong pandemic. Dahil lahat ng kailangan natin, sila ang nag-aabot, sila ang nagde-deliver.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Para sa kanilang unang costumer ay tumungo ang mag-asawa kasama ang naturang delivery driver sa isang kilalang pastry shop upang bilhin ang pagkaing request mismo ng kanilang costumer.

At pagdating nga sa mismong drop-off location, ay kapansin-pansin naman ang naging reaksyon at pagkabigla ng mga costumers nang makita si Alex na sya mismo ang nagdeliver ng kanilang mga orders.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Tila hindi nga madali ang maging isang delivery driver, dahil tulad ng na-experience ni Alex ay kal@ban raw umano rito ang antok at gut0m na biro pa ng aktres, “Ako hindi ako pwede maging driver kasi kapag nagutom ako, titigil ako.”

At sa huling booking na kanilang tinanggap, ay makikita naman na first time costumer ng Happy Cup ang siyang kanilang pinagdalhan ng inumin.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Samantala, nagbigay naman ng kani-kanilang reaksyon ang mga netizens sa masayang joy ride ng mag-asawa bilang mga delivery drivers.

“Alex Gonzaga always makes us happy in every vlog she upload 🥰

“You never fail me to make me happy thank you so much ate cath nawawala yung stress ko pag nanonood ako sayo i love you always and forever!<3”.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“I will never get tired of watching your vlogs ate AG❤

“Love you ate alex. Thank you for entertaining us always ☺❤

The post Alex Gonzaga at asawa nyang si Mikee Morada, sinubukan ang pagiging delivery driver ng isang buong araw appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments