Andi Eigenmann, ibinahagi ang pag-uumpisa ng kanilang masayang byahe pabalik sa isla ng Siargao

Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula ng dumating ang nakakalungkot na balita patungkol sa pins@lang iniwan ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At isa nga sa mga labis na naapektuhan ng bagyong ito ay ang isa sa mga tanyag at kilalang tourist spot sa bansa, walang iba kundi ang Isla ng Siargao.

Kasabay ng p!nsalang naramdaman sa isla ay siya ring pagkas!ra ng ilan sa mga kabahayan at kabuhayan ng ilan sa ating mga kababayan. At isa nga sa mga labis na naapektuhan nito ay ang Happy Islanders na kinabibilangan ng dating aktres na si Andi Eigenmann, fiancé na si Philmar Alipayo at kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na pinili munang manirahan nina Andi kasama ang kanyang mga anak sa Maynila, habang kasalukuyang bumabangon paunti-unti ang naturang Isla.

Samantala, habang si Andi at ang kanyang ina na si Jaclyn Jose ay punong-abala ngayon sa pag-aalaga sa 3 anak ng aktres, si Philmar naman ay punong-abala rin sa pagtul0ng sa kanyang mga kababayan na maibangon muli ang kanilang Isla mula sa dating sigla at ganda nito.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Pagbabahagi ni Andi, “My kids know for sure this is not “home”, but having both of us around somehow makes everything better. Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there.”

At makalipas nga ang ilang buwan nilang paninirahan sa Maynila, ay sa wakas magbabalik isla na muli ang Happy Islanders.

Nito lamang Linggo, ika-27 ng Pebrero ay masayang ibinahagi ni Andi sa kanilang Youtube channel ang kanilang labis na tuwa at excitement sa muling pagbabalik nilang pamilya sa Isla.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At kasabay ng kanilang paghahanda sa naturang pag-alis, ay makikita naman ang nakakatuwang pagsalubong ni Lilo sa kanyang Papa Philmar matapos sila nitong sunduin sa bahay na kanilang tinutuluyan buong pamilya.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“The Happy Islanders is going to be on their way home, but we will take sort of a long route going home. So, the happy islanders, will be the happy islander adventurers for the mean time,” saad ng aktres.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Bago ang kanilang naturang pag-alis, ay ipinasilip rin ni Andi ang ilan sa kanilang mga masasaya at huling pamamasyal sa Maynila, at ang sama-samang pagpunta sa airport para sa kanilang muling pagbabalik patungong Siargao.

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang pag-uumpisa ng kanilang masayang byahe pabalik sa isla ng Siargao appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments