Ellen Adarna, muling pinabilib ang mga Netizens matapos sabayan ang asawang si Derek Ramsay sa pagbubukas ng bote ng beer gamit lamang ang ngipin

Mula pa man noon ay marami na ang humahanga sa taglay na kagandahan at kas3ksihan ng aktres at celebrity mom na si Ellen Adarna.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Ngunit tila hindi lamang ganda ng mukha at katawan ang pinatunayan ni Ellen, dahil bukod sa maganda niyang mga katangian ay tila maipagmamalaki rin niya ang kanyang pagiging mapalad sa buhay.

Nakilala ang aktres na si Ellen bilang isa sa mga personalidad sa showbiz na nagmula sa isang mayamang pamilya sa Cebu, na kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang ilan sa mga malaking negosyo.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Maliban pa diyan ay pagmamay-ari din ng kanilang angkan ang isang templo na siya namang ipinatayo para sa kanyang Lola.

Tila taglay na nga ni Ellen ang lahat, ngunit ang hindi alam ng karamihan ay mayroon pang mga talento at nakakabighaning katangian ang aktres na siyang mas lalo pang nagpadagdag sa kanyang kagandahan.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

At maliban sa kanyang natatanging husay at galing pagdating sa pag-arte, ay taglay rin ng aktres ang kahanga-hangang talento pagdating sa pagtugtog ng piano.


Sa mga videos na ibinahagi ni Ellen sa kanyang social media account ay masisilayan ang kanyang husay sa pagtugtog ng piano, matapos niyang tugtugin nang walang kahirap-hirap ang awitin ng Cold Play na The Scientist na siya namang nagpabilib sa kanyang mga tagahanga.

Ngunit, hindi lamang pagtugtog ng piano ang kaya pang gawin ng aktres, dahil nito lamang Lunes, ika-28 ng Pebrero ay muli na namang pinahanga ni Ellen ang kanyang mga supporters.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

At dahil nga ito sa video nila ng kanyang asawa na si Derek Ramsay, na kung saan ay hinamon ng aktres ang kanyang asawa pagdating sa pabilisan ng pagbubukas ng bote ng b3er gamit lamang ang kanilang mga ngipin.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Kalakip ang caption ni Ellen na, “Things your teeth should never do. #sometimeslang #whosmoregansta” ay dito nga napatunayang mas “g4ngster” ang aktres matapos itong mauna magbukas ng naturang bote ng b3er.


Dahil dito ay marami naman sa mga netizens ang natuwa at napabilib sa taglay na galing ni Ellen.

🙌🙌🙌 Legend talaga tong si Ibong Adarna 🙌🙌🙌 👏👏👏 apaka swerte ni Mr. Ramsay 😍


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

“Na-inspire ako. Gusto ko din matutunan to 😂 walang kaarte arte 🥰🥰

“Wowwwww no wonder you too are just Perfect Match ❤❤❤❤❤


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Samantala, kasalukuyan naman nasa Africa sina Ellen at Derek kasama ang unico hijo ng aktres sa dating kasintahan na si John Lloyd Cruz na si Elias at ang personal assistant nito na si Jessa.

Ang kanilang paglipad patungong Africa ay ang nakatakdang honeymoon ng mag-asawa, matapos ikasal nito lamang November 11, 2021, sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bataan.

The post Ellen Adarna, muling pinabilib ang mga Netizens matapos sabayan ang asawang si Derek Ramsay sa pagbubukas ng bote ng beer gamit lamang ang ngipin appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments