Anak ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia na si Scarlett, masayang ipinasilip ang kanyang napakaganda at elegant-cozy style na bagong kwarto

Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya ngayon sa Pilipinas ay ang pamilya nina Chesca Garcia at Doug Kramer, o mas kilala ng publiko kung sila ay tawagin bilang “Team Kramer”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Isa ang Team Kramer sa nagbibigay inspirasyon ngayon sa maraming magpapamilya, na kung saan ang kwento ng kanilang matibay at masayang samahan ang nagiging daan sa karamihan upang sila ay kapulutan ng inspirasyon.

Pagdating sa pamamaraan ng parenting style nina Doug at Chesca sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin, ay talaga namang makikita ang kanilang pagiging hands-on sa mga ito na siya namang ikinamangha ng karamihan lalo pa ng ibang parents din tulad nila.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

At sa kabila pa nito, ay hindi rin maitatanggi na likas rin sa mag-asawa ang pagiging mapagbigay lalo na kung ito ay para sa kanilang tatlong anak.

Matatandaang minsan ng nag-viral noon sa social media ang mala-mansyong tahanan ng Team Kramer, na kung saan ay makikita na talagang planado at pinaghandaan ang bawat bahagi at sulok ng kanilang bahay, maging ang bawat kwarto ng magkakapatid ay talagang pinag-isipan.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

At kasabay ng pagbabago sa ating kapaligiran at sa matulin na paglipas ng panahon, ay marami ring nagbago sa mala-mansyong tahanan ng Team Kramer at isa na sa mga ito ay ang sariling kwarto ng ikalawang anak nina Doug at Chesca na si Scarlett.

Sa kanilang latest vlog ay makikitang ipinasilip ng mag-asawa kasama ang kanilang mga anak ang bagong kwarto ngayon ni Scarlett, na siyang minsan na ring naging kwarto ng kanilang bunsong anak na si Gavin.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Paglalahad pa ni Scarlett, “Actually, Daddy said, Gavin’s room before now is my room. So, you’ll see how different it is now.”

At dahil dating kwarto ni Gavin ang bagong kwarto na ngayon ni Scarlett, ay talaga namang makikita ang mga naging pagbabago magmula sa dati nitong kulay, itsura, at ayos.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Ang dating blue gray na kulay na kwarto noon ni Gavin, ay tila naging maaliwalas naman ang kulay nito ngayon na siyang bumagay sa personality ni Scarlett.

Ayon pa kay Chesca, “You’ll see the different personalities of the girls. While they have furniture that look alike, but you’ll see how different they are and just the character that they individually have.”

Magmula sa kulay ng cabinet doors at kulay ng naturang kwarto ay talaga namang makikita ang kagandahan nito, isama pa ang mga organic furniture na makikita rin sa loob ng kwarto.

“We chose a lot of organic furniture meaning, we used a lot of rattan and then we used a lot of wood here, to make it cozier,” saad pa ni Chesca.




Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Samantala, maliban sa personal na kagamitan na makikita sa kwarto ni Scarlett ay tila isa rin sa mga personality nito ay pangongolekta ng mga shopkins na siyang kapansing-pansin na may sariling cabinet rin ang mga ito.

Pagbabahagi ni Doug, “Scarlett’s personality is also revealed with how the room looks. And another thing is, she doesn’t collect a lot of things but when she does [she collects] shopkins.”


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Maliban pa rito, ay makikita rin ang isang chandelier na isa sa paboritong bahagi ni Scarlett sa kanyang kwarto. Sunod namang ipinakita ng Team Kramer ang sariling walk-in closet, at CR ni Scarlett.

The post Anak ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia na si Scarlett, masayang ipinasilip ang kanyang napakaganda at elegant-cozy style na bagong kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments