Angking kagandahan ng aktres na si Kaye Abad, umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens at mga kilalang personalidad sa showbiz

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ay kagandahan na hindi nakakasawang pagmasdan, ay tiyak na nabibilang sa mga may ganitong klaseng pisikal na katangian ay ang aktres na si Kaye Abad.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Ang taglay niyang kagandahan ay isa lang naman sa mga nagpahanga sa marami, sapagkat may makeup man o wala ay sadyang taglay niya pa rin ang kagandahang hindi nakakasawang pagmasdan.

Kaya naman ngayon ay kahit mother of two na ang aktres na si Kaye ay muli pa rin niyang pinatunayan na sa kabila man ng kanyang pagiging ganap na ina, ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang natatanging ganda.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Muling pinahanga ng celebrity mom ang kanyang mga fans pati na rin ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz, matapos niyang ibahagi ang kanyang video na kung saan ay makikita ang walang kupas pa rin na ganda ng aktres.

Aniya, “ngayon lang ako nakapag pa make up ulit ng ganito after 2yrs.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Sa edad na 39, ay talaga namang makikitang fresh and young-looking pa rin si Kaye, kahit na siya ay happily married na sa kanyang asawang si Paul Jake Castillo at ganap na ring ina sa kanilang dalawang anak na sina Joaquin at Baby Iñigo.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Sa walang kupas na kagandahan ng aktres, ay tila hindi lamang ang kanyang mga supporters ang namangha sa kanyang ganda, kundi pati na rin ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay hindi rin napigilang puriin ang kagandahan ni Kaye.

“Pak na Pak!” Komento ng aktor na si Jason Abalos.




Credit: @kaye_abad on Instagram

“PAKA GANDA MO MARS!” saad naman ng Kapuso actress na si Pauleen Luna-Sotto.

Dagdag naman ng aktres na si Yam Concepcion, “Ay ang gandaaa naman 😍”.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Hindi rin naman nagpahuli ang aktres na si Iza Calzado na nagbigay rin ng komento at sinabing, “Ang ganda ganda mo!!! ❤❤❤


Credit: @kaye_abad on Instagram

Samantala, nagbigay rin ng komento sina Melai Cantiveros-Francisco, Marvin Agustin, Sylvia Sanchez, Vickie Rushton, Nikki Valdez, Isabel Oli-Prats at marami pang iba.

The post Angking kagandahan ng aktres na si Kaye Abad, umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens at mga kilalang personalidad sa showbiz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments