Soon-to-be mom na si Jennylyn Mercado, blooming na blooming sa kanyang 30-week na pagbubuntis

Marami ang labis na nagulat simula nang mapabalita ang patungkol sa naganap na engagement noon ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.


Credit: @mercadojenny on Instagram

At makalipas nga ang halos anim na taong relasyon nila bilang magkasintahan ay lumagay na rin sa masaya at tahimik ang kanilang samahan.

Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib noong ika-15 ng Nobyembre ng nakaraang taon, na siyang ginanap naman ang kanilang intimate civil wedding sa mismong studio ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa Quezon City.


Credit: @mercadojenny on Instagram

At kasabay ng pag-anunsyo nila ng kanilang naturang engagement noon ay siya ring isang magandang biyaya naman ang dumating sa mag-asawa, matapos nilang ibahagi na ipinagbubuntis na ni Jennylyn ang kanilang baby girl.

Marami nga ang natuwa at nakisaya sa magandang balitang ito ng mag-asawa, kaya naman hindi kataka-taka na maging ang mga netizens at celebrities ay excited na rin sa paglabas ng kanilang anak.


Credit: @mercadojenny on Instagram

At sa nalalapit na kabuwanan ng aktres, ay muling ibinida ng soon-to-be mom na si Jennylyn ang kanyang 30-week na baby bump.

Nito lamang Huwebes, ika-3 ng Marso ay makikita ang litrato ni Jennylyn na kuha mismo habang siya ay nasa swimming pool, na siyang kapansin-pansin naman ang kanyang malaking baby bump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Sa suot na white maillot, ay talaga namang makikita ang pagka-blooming ng aktres na kung saan ay hindi maitatangging likas pa rin kay Jennylyn ang nag-uumapaw na kagandahan kahit magiging ganap ng isang ina. “30th week swimming with my girl,” saad ng aktres sa kanyang caption.




Credit: @mercadojenny on Instagram

Ang naturang litrato na ito ay kuha mismo ng kanyang asawa na si Dennis, na siyang umani naman ng papuri at paghanga magmula sa ilang mga kakilala at kaibigan ng celebrity couple sa showbiz.

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay sina Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Yasmien Kurdi, Angel Locsin, at marami pang iba.


Credit: @mercadojenny on Instagram

Komento naman ng Kapuso actress na si Marian Rivera, na siyang soon-to-be ninang na rin ng kanilang magiging anak, “Awww excited na ako makita ka inaanak ko stay safe mare.”

The post Soon-to-be mom na si Jennylyn Mercado, blooming na blooming sa kanyang 30-week na pagbubuntis appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments