Panganay ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra, ipinasilip ang kanyang napakaganda at mala-bohemian style na kwarto

Bukod sa pangarap ng karamihan na magkaroon ng sariling bahay para sa pamilya, ay isa na marahil ang pagkakaroon ng sariling kwarto ang isa rin sa pinakahihintay ng marami lalo na ang mga kababaihan.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Kaya naman ang 12-year-old eldest daughter ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra, ay masayang ipinasilip ang kanyang sariling kwarto na ngayon, na dati ay kwarto nila ng kanyang kapatid na si Scarlett.

Pagbabahagi ni Kendra, “For the longest time ever since we moved, Scarlett and I have shared this room.”


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

“Before there used to be 2 beds here, 1 for Scarlett and 1 for me and the furniture and the interior used to be all different and now, ever since I wanted my own room, my Mom and Dad asked me, like ‘what do you want to do, what kind of design do you want,’” dagdag pa niya.

At makalipas nga ang halos ilang taon na magkasama ang magkapatid sa iisang silid, ngayon ay makikita naman ang labis na tuwa sa mukha ni Kendra ng kanyang ipasilip ang kanyang napakagandang bohemian-themed na kwarto.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kanyang kwarto ay makikita na ang kagandahan ng silid magmula pa lamang sa kulay, disenyo maging ang mga kagamitan na makikita mula dito.

“So we picked out a few stiff and slowly by slowly, we put things together and we came up with this look.”


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Bukod sa kanyang bed ay may sarili din siyang lounge area na kung saan ay makikita ang couch, at kalapit naman ng kama ay ang kanyang napakalaking vanity area.

Ipinakita rin ni Kendra ang kanyang favorite rug at chair, pati na rin ang kanyang flat TV screen na napapalibutan ng kanyang mga favorite books at toys.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Makikita rin sa loob ng kanyang kwarto ang isang bohemian lamp at mirror na talaga namang bumagay sa disenyo ng kanyang kwarto.

Bukod pa diyan ay may sarili ring cabinet si Kendra para naman sa kanyang mga toy collectibles.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Samantala, sa kanyang edad na 12, ay mayroon na rin siyang sariling walk-in closet na kung saan ay ipinasilip rin niya ang ilan sa kanyang mga favorite shoes at bags.

Pagpasok pa lamang sa kanyang walk-in closet ay mamangha ka naman sa kaayusan at kalinisan ng silid na siyang si Chesca mismo ang nag-organize at nag-ayos ng mga ito.




Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Ayon kay Kendra, “Mommy fixed it. The whole thing. She fixed everything and made it look so much nicer.”

Karamihan sa mga ipinakitang bags at shoes ni Kendra ay ilan sa mga ipinamang gamit ni Chesca sa kanyang mga anak, at isa nga sa mga ito ay ang vintage Gucci monogram baguette bag na binili umano ng aktres noong siya ay 17 pa lamang.


Credit: TEAM KRAMER Youtube Channel

Aniya, “That bag is very special for me because, I bought that bag when I went to Thailand for work and it is one of my first branded bags [when I was 17].”

Ipinakita rin ni Kendra ang ilan sa kanyang mga koleksyon na figmas, nendoroids, at albums mula sa mga sikat na K-pop groups tulad ng ITZY, Blackpink, TXT at BTS.

The post Panganay ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra, ipinasilip ang kanyang napakaganda at mala-bohemian style na kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments