Miles Ocampo, masayang-masaya sa “New Chapter” ng kanyang showbiz career matapos ibahagi ang kanyang paglipat sa bagong talent agency

Kinilala si Camille Tan Hojilla o mas kilala sa kanyang screen name bilang si Miles Ocampo na isang mahusay na aktres, model, writer at singer.


Credit: @milesocampo on Instagram

Naging bahagi noon si Miles ng dating ABS-CBN show na Goin’ Bulilit, na kung saan ay nakasama niya ang ilan rin sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz na sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza at Julia Montes.

Sa kabila ng kanyang natamong kasikatan at sa binuong pangalan na kanyang sinimulan, isa ang aktres na si Miles sa mga artistang nagnanais rin na mabigyan ng isang malaking “break” sa showbiz, na kung saan ay maipapakita ang kanyang natatanging husay at galing sa pag-arte.


Credit: @milesocampo on Instagram

Kaya naman ngayon ay tila unti-unti na ngang naisasakatuparan ang matagal ng pangarap ng aktres, matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang magandang balita patungkol sa bagong talent agency na kanyang nilipatan.

Nito lamang Sabado, ika-5 ng Marso ay kanyang inanunsyo ang “New Chapter” na magaganap sa kanyang buhay ngayon, matapos niyang ibahagi na siya ay parte na ng talent agency na pagmamay-ari mismo ng dating Kapamilya actress na si Maja Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Matatandaaang naunang naging bahagi ang aktor na si John Lloyd Cruz sa pangangalaga ng Crown Artist Management, na siyang magiging bagong pamilya na rin ngayon ni Miles.

Kasabay ng magandang balita na ito ay ibinahagi rin ni Miles ang kanyang husay sa pagsasayaw, matapos niyang ipasilip ang kanyang dance video ng “woman” ni Doja Cat.


Credit: @milesocampo on Instagram

Samantala, marami naman sa mga kasamahan ni Miles sa showbiz ang naghayag at nagbahagi ng kanilang suporta at pagka-proud sa bagong yugto na kakaharapin ngayon ng aktres sa kanyang showbiz career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Komento ng aktres at Chinita Princess na si Kim Chiu, “Ganda!!!!!!!!❤❤❤👏🏼👏🏼👏🏼 galing mo woman miles!!!!!🔥🔥🔥🔥🙌🙌🙌”.

“So proud ❤🔥” saad naman ng aktres na si Dimples Romana.




Credit: @milesocampo on Instagram

“Haaaaaaaay ang ganda gandaaaaa!!! Congratulations!!!! love youuuu 💕” komento naman ng aktres na si Sue.

“I LOVE THIS!!” dagdag na komento ni Kathryn Bernardo.


Kasalukuyang mapapanood si Miles GMA-7 sitcom na Happy ToGetHer na pinangungunahan ng aktor na si John Lloyd Cruz kasama na rin ang komedyanteng si Jayson Gainza.

Minsan ng nagkasama sina Miles, John Lloyd at Jayson sa huling TV project nila sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, na kung saan ay kanilang naka-trabaho ang aktres at TV host na si Toni Gonzaga.

The post Miles Ocampo, masayang-masaya sa “New Chapter” ng kanyang showbiz career matapos ibahagi ang kanyang paglipat sa bagong talent agency appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments