Soon-to-be mom na si Angeline Quinto, ready na sa kanyang nalalapit na panganganak matapos ihanda at bumili ng mga gamit ng kanyang magiging baby boy

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-iingat pa rin ng publiko magmula sa kumakalat na v!rus, ay marami pa rin sa atin ang hindi pa rin kampante na lumabas ng kanilang mga tahanan upang pumunta sa mga malls at gumala kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Kaya naman, ang pamimili online mula sa mga kilala at subok na online shops ay talaga namang patok pa rin ngayon sa madla, sa kadahilanang magiging mas mabilis at madali itong gawin kaysa lumabas pa ng bahay.

At isa na nga sa mga tumangkilik ng ganitong pamamaraan ng pagsha-shopping ay walang iba kundi ang soon-to-be mom na si Angeline Quinto.


Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Excited na excited ngang namili si Angge ng iba pang mga kagamitan na kakailanganin ng kanyang baby boy, na kahit ito man ang kanyang unang beses na masusubukan na bumili online ay siniguro lamang niya ang magiging kal!gtasan nila ng kanyang first born.

Aniya, “Sobrang excited ako, sobrang excited na excited ako kasi ilang buwan na lang makikita na natin ang aking baby boy.”


Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Dagdag pa niya, “First time ko kasi talagang masubukan ‘to yung mag-online shopping. At madami pala talagang pwede mabili online sa ngayon.”

Sa nalalapit na panganganak ni Angge ay naisipan na nga niyang ihanda ang kanyang mga kakailanganing kagamitan, pati na rin ang paghahanda mismo ng ilang mga gamit ng kanyang anak.


Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Pagbabahagi ng singer, “nasabi sa akin ng doctor ko na, a month before ng aking due date ay mas mabuti raw na nakakapag-prepare na ako ng mga gamit ng baby ko na dadalhin sa h0spital at yung magiging gamit ko din.”

“Kaya sabi din ni Ms. Reg, ‘habang maaga Angge, kung ano yung mga kailangan mo sa h0spital lalo ng magiging anak mo, maaga pa lang sana maihanda mo na.’” saad pa nito.


Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Ilan sa mga nabili online ni Angge ay ang mga baby diaper bag, baby wrap carrier, baby carrier, postp@rtum girdles, cotton balls, grooming kit, at marami pang iba.

Samantala, sa labis na pag-eenjoy ni Angge sa kanyang pag-oonline shopping at pagbibiro niyang 2023 pa raw ang dating ng kanyang mga order, ay tila hindi naman niya namalayan na nabanggit na rin niya ang magiging pangalan ng kanyang baby boy, matapos niya itong tawagin bilang “Sylvio”.




Credit: Love Angeline Quinto on Instagram

Pagbabahagi pa ni Angge, ay pinagbawalan na rin daw siya ng kanyang doctor na magtrabaho at lumabas ng kanilang bahay, upang makapag-!ngat na rin sila ng kanyang baby.

“Sa kalagayan ko kasi ngayon, mas nagdodoble !ngat lang ako. Sa totoo lang, kahit gustong-gusto ko magtrabaho ngayon, medyo pinagbawalan din ako ng doctor ko na mag-work,” ayon kay Angge.

The post Soon-to-be mom na si Angeline Quinto, ready na sa kanyang nalalapit na panganganak matapos ihanda at bumili ng mga gamit ng kanyang magiging baby boy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments