Kakai Bautista, ipinasilip ang kanyang magandang bahay na naipundar nya para sa pamilya

Sa kabila ng natamong kasikatan ng komedyante at aktres na si Kakai Bautista, ay hindi nakapagtataka na ganoon na lang rin karami ang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Mula sa kanyang pagiging kwela at talaga namang pagiging bihasa sa pagpapatawa sa madla, ay hindi rin maitatangging nabibilang rin si Kakai sa mga batikang artista na napapasama sa mga bl0ckbuster movies, TV shows, at endorsements, na talagang nakatulong sa pag-angat ng kanyang showbiz career.

Kaya naman ang kwela at masayahing si Kakai ay deserve rin naman na matupad ang kanyang mga pangarap, lalo pa’t sipag at diskarte ang kanyang naging puhunan upang unti-unti itong matupad.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Dahil sa mga blessing na ito ay natupad na nga sa wakas ang isa sa mga pinapangarap ng aktres na magkaroon at makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Bunga ng kanyang kasipagan ay naipatayo na ni Kakai ang kanyang dream house na tinawag niya bilang JB house, na nagmula umano sa kanyang endorsement sa isang kilalang fastfood chain at ilang ginawang Jolliserye na kung saan ay nakasama ang kapwa aktres at komedyanteng si Eugene Domingo.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Pagbabahagi niya, “Ang bahay na ito ay katas ng @jollibee JOLLISERYE with ate Uge, endorsement ko. Kaya JB HOUSE ang tawag ko dito.”

Halos dalawang dekada na rin raw pinangarap ni Kakai na maipatayo ang JB house para sa kanyang pamilya, kaya naman ngayong abo’t kamay na niya ito ay inimbitahan naman niya ang kanyang manonood sa kanilang munting tahanan.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Makikita sa isa sa mga vlog ni Kakai na pinamagatang “JB House” ay kanyang tinupad ang ilan sa mga kahilingan ng kanyang mga supporters na ipasilip ang bagong renovated nila na bahay.

Pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan ay sasalubong na sa’yo ang kanilang living room, na kung saan ay makikita mula rito ang kanilang Korean window blinds, reclining chair, sala set at isang flat TV screen.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Kalapit naman ng kanilang living room ay magtutungo naman sayo ang kanilang kitchen at dining area, na kung saan ay mapapansin ang ilan sa mga matitibay at mabibigat na materyales na kahoy na ginamit magmula pa lamang sa lamesa at cabinets.

Pagdating naman sa ibabang bahagi ng kanilang hagdan na magtutungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, ay aakalaing sa unang tingin ito ay isang simpleng wall lamang, ngunit ito pala ay isang secret storage kapag binuksan.




Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Sunod namang ipinakita nina Kakai kasama ang kanyang interior designer na si Cheska ang kanilang Lanai area, na kung saan ay makikita naman mula rito ang ilan sa kanilang mga tanim na halaman at mga rattan set furnitures na siyang tinawag rin ng aktres bilang kanilang “tambayan”.

Pagdating naman sa 2nd floor ay dito naman ipinasilip ni Kakai ang kwarto nila ng kanyang kapatid, na kung saan ay mapapansin ang pagiging maayos at kalinisan ng kwarto, isama pa ang pagiging organisado ng kanyang mga kagamitan dahil sa mga native baskets and organizers na makikita mula dito.


Credit: kakai Bautista Youtube Channel

Mayroon ding sariling vanity area at sofa ang komedyante na makikita rin sa loob ng kanyang kwarto.

Muling pinatunayan ni Kakai na hindi naging hadlang ang kahirapan na kanilang naranasan, upang tuparin ang bawat pangarap na kanyang binuo hindi lamang sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.

The post Kakai Bautista, ipinasilip ang kanyang magandang bahay na naipundar nya para sa pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments