Pauleen Luna, hindi napigilang matuwa matapos ibahagi ang nakakaantig na bonding moment ng kanyang mag-ama

Sa muling pagbubukas ng ilang mga paaralan ngayon, karamihan sa mga magulang ay punong abala na sa pagluluto ng almusal, pag-aasikaso ng uniporme at baon ng kanilang mga anak.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Bagama’t patuloy man ang pag-iingat ng marami sa kumakalat na v!rus at ang unti-unting pagbangon ng bansa sa nagdaang pandemya, ay tila iba naman ang pinagkakaabalahan ngayon ng mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto.

Tulad ng ibang pamilya, hindi pa rin mawawala ang pagkakaroon ng masasayang bonding na kung saan ang paglalaan ng oras ay hindi alintana upang makapiling ang pamilya.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At kung ang ilang mga estudyante ay balik eskwela na nga, ang napaka-cute at bibong anak naman nina Pauleen at Vic na si Talitha Maria Luna Sotto o mas kilala bilang si Tali, ay masayang in-eenjoy naman ang kanyang mga oras na kasama ang kanyang Daddy Vic.

Sa kabila man ng pagiging abala ni Bossing Vic sa kanyang trabaho bilang host ng noontime show na Eat Bulaga, ay hindi naman matatawaran ang inilalaang oras nito upang maka-bonding ang anak, na siyang hindi maitatanggi ang pagiging malapit ng mag-ama sa isa’t-isa.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Patunay lamang nito ang cute na litrato ni Bossic Vic kasama si Tali, na kung saan ay makikitang pasan-pasan ng TV host ang anak sa kanyang likuran, habang mapapansin naman ang malalaking ngiti sa kanilang mga labi.

Ayon pa nga sa naturang caption ni Pauleen sa ibinahaging litratong ito ng kanyang mag-ama ay kanyang sinabi, “No new photo of mom and dad cos all new photos are of them. Not complaining!”


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Samantala, muli naman nagbahagi si Pauleen ng mga litrato ng mag-ama, na kung saan ay kwento pa ng celebrity mom ay si Tali raw mismo ang nag-request na kuhaan sila ng picture kasama mismo ang kanyang Daddy Vic.

Ayon kay Pauleen, “UGH I can’t with these two! I fall in love with them more and more everyday! (This shot was Tali’s request btw)”


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ngunit, isang video naman ang makapagbibigay ng tuwa sa puso ng bawat manonood, matapos ibahagi ni Pauleen ang nakakatuwa at adorable bonding moment ng mag-ama.

Sa bidyong ito, ay makikitang banayad na sinusuklayan ni Bossing Vic ang buhok ni Tali, na siya namang nag-iwan ng labis na tuwa at kasiyahan sa puso ng celebrity mom.


“I just want to feeeze this moment.. blessed to have these two” saad ni Pauleen sa kanyang caption.

Dahil dito ay marami naman sa mga netizens ang naantig sa video na ito nina Bossing Vic at Tali at nag-iwan ng kanilang mga komento sa naturang post na ito ni Pauleen.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“This video makes me teary eyed 😢🥺

“Love it… Father and daughter moment 😍❤

“Beautiful picture, this really speaks about a Father’s love for his daughter”

The post Pauleen Luna, hindi napigilang matuwa matapos ibahagi ang nakakaantig na bonding moment ng kanyang mag-ama appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments