Napakagandang anak nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Baby Dylan Jayde, 7 months old na ngayon

Makalipas ang ilang taon na pagiging magkasintahan, Nobyembre noong nakaraang taon ay matatandaan na ikinasal ang Kapuso sweetheart stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.


Credit: @dennistrillo on Instagram

Kasabay ng anunsiyo patungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn ay ang naging intimate engagement proposal rin na ibinahagi ng dalawa sa publiko.

Matapos nito ay ibinahagi rin ng Kapuso celebrity couple ang bahay na kanilang ipinagawa, na siyang magiging tahanan kasama ang kani-kanilang mga anak sa dating partners at ang magiging pamilya na kanilang bubuuin sa hinaharap.


Credit: @dennistrillo on Instagram

Mula pa man noon ay naging bukas na ang mag-asawa sa publiko patungkol sa kanilang pregnancy journey, na kung saan ang planong surrogacy ay napalitan ng isang masayang pregnancy ng aktres matapos malaman nina Jennylyn na siya ay buntis sa kanilang anak.

Sa kaniyang naging pagbubuntis noon ay talagang hiniling ng mag-asawa na magkaroon ng babaeng anak, na siya namang sinagot ng Diyos ang kanilang kahilingan.


Credit: @dennistrillo on Instagram

At sa pagdating nga ng kanilang napakagandang baby girl na si Dylan Jayde Ho, ay nagmistulang mas makulay at mas masaya ang kanilang pamilya sa pagdating ng panibagong anghel sa buhay ng mag-asawa.


Credit: @dennistrillo on Instagram

Naging pribado man sina Jennylyn at Dennis pagdating sa kanilang baby Dylan, ay masayang ibinahagi ng dalawa ang litrato ng kanilang anak na siyang umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens dahil sa taglay nitong ganda at kakyutan na namana sa kanyang mga magulang.

Matatandaang November 2, 2022, nang ibahagi ng celebrity couple ang kanilang naging Halloween family picture sa Instagram, na kung saan ay talaga nga namang makikita ang napakagandang mukha ni Baby Dylan Jayde.


Credit: @dennistrillo on Instagram

Matapos nito ay muli namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Jennylyn sa kanyang Instagram, na kung saan ay makikita ang masayang bonding ng mag-ina habang naliligo sa swimming pool.

Mapapansin na nakasuot ng isang cute baby swimwear si Baby Dylan habang siya ay maingat na inaalalayan ng kaniyang Mommy Jennylyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Ayon sa iniwang caption ng aktres, ay masayang ipinagdiwang ng kanilang anak ang kaniyang 7th month old, na tinawag pa ni Jennylyn bilang kaniyang “little mermaid”.

Aniya, “Happy 7 months strong, my little mermaid! #dylanjaydeho”.




Credit: @mercadojenny on Instagram

Dahil dito ay bumuhos nga ang madaming papuri at komento mula sa mga netizens at maging sa mga kilalang personalidad sa showbiz, na nag-iwan ng kanilang paghanga para kay Baby Dylan.

Ilan sa mga ito ay sina Marian Rivera na tinawag si Baby Dylan bilang kaniyang inaanak, na sinundan naman ng komento nina Sheena Halili, Shaira Diaz, Jade Lopez, Rina Navarro, at Angelica Panganiban.

The post Napakagandang anak nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Baby Dylan Jayde, 7 months old na ngayon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments